Binibigyan ka ng HR widget ng isang mabilis na snapshot ng iyong heart rate at ng isang 12 oras na graph ng iyong heart rate. Na-plot ang graph gamit ang iyong average na heart rate batay sa mga 24 na minutong time slot.
Isang magandang indicator ng iyong pag-recover ang iyong minimum na heart rate sa nakalipas na 12 oras. Kung mas mataas ito kaysa sa karaniwan, malamang ay hindi ka pa ganap na nakaka-recover mula sa huli mong sesyon ng pagsasanay.
Kung magre-record ka ng ehersisyo, ipapakita ng mga pang-araw-araw na value ng HR ang pagbilis ng iyong heart rate at ang pagtaas ng konsumo ng calorie mula sa iyong pagsasanay. Ngunit tandaang ang graph at mga rate ng konsumo ay mga average. Kung aabot sa 200 bpm ang iyong heart rate habang nag-eehersisyo, hindi ipapakita ng graph ang maximum na value, at sa halip, ipapakita nito ang average mula sa nakalipas na 24 na minuto kung kailan naabot mo ang nabanggit na pinakamataas na rate.
Upang makita ang mga pang-araw-araw na value ng HR widget, kailangang i-activate ang feature na pang-araw-araw na HR. Maaari mong i-toggle on o i-toggle off ang feature sa mga setting sa Activity o mag-scroll pababa papunta sa dulo ng HR widget at i-activate ito doon.
Kapag naka-on ang feature na ito, regular na ia-activate ng iyong relo ang sensor ng optical heart rate upang suriin ang iyong heart rate. Bahagya nitong pinapalakas ang konsumo ng baterya.
Sa oras na ma-activate ito, kailangan ng iyong relo ng 24 na minuto bago nito maipakita ang impormasyon tungkol sa heart rate.
Mag-swipe pakanan o pindutin ang ibabang button upang bumalik sa view ng watch face.