Optikal na bilis ng tibok ng puso
Ang pagsukat sa optikal na bilis ng tibok ng puso mula sa pulso ay isang madali at kumbinyenteng paraan upang subaybayan ang bilis ng tibok ng iyong puso. Maaaring makaapekto ang mga sumusunod sa kahusayan ng mga resulta ng pagsukat ng bilis ng tibok ng puso:
- Dapat isuot ang relo nang direktang nakalapat sa iyong balat. Dapat na walang tela, gaano man kanipis, sa pagitan ng sensor at ng iyong balat.
- Maaaring kailanganing isuot ang relo sa iyong braso nang mas mataas kaysa sa kung saan karaniwang isinusuot ang mga relo. Binabasa ng sensor ang daloy ng dugo sa tisyu. Kung mas marami itong mababasang tisyu, mas maganda.
- Maaaring mabago ng mga paggalaw ng braso at pagkilos ng mga kalamnan, gaya ng paghawak sa isang raketa ng tenis, ang katumpakan ng mga pagbasa ng sensor.
- Kapag mabagal ang tibok ng iyong puso, puwedeng hindi maging stable ang mga pagbasa ng sensor. Makakatulong ang pag-eehersisyo sa loob ng ilang minuto bago ka magsimulang magrekord.
- Nahaharangan ng kulay ng balat at mga tattoo ang liwanag, at nakakahadlang ang mga ito sa pagkuha ng mga maaasahang pagbasa mula sa optikal na sensor.
- Ang optikal na sensor ay maaaring hindi magbigay ng mga tumpak na pagbasa ng tibok ng puso para sa mga aktibidad sa paglangoy at diving.
- Para sa higit pang katumpakan at mas mabibilis na pagtugon sa mga pagbabago sa bilis ng tibok ng puso mo, inirerekomenda naming gumamit ka ng compatible na sensor ng bilis ng tibok ng puso sa dibdib, gaya ng Suunto Smart Sensor.
BABALA:
Puwedeng hindi maging tumpak ang feature na optikal na tibok ng puso gamit ang optikal na sensor para sa bawat user sa bawat aktibidad. Maaari ring maapektuhan ng pagiging natatangi ng anatomiya at kulay ng balat ng isang indibidwal ang optikal na tibok ng puso. Puwedeng mas mataas o mas mababa ang aktwal na bilis ng tibok ng iyong puso kaysa sa pagbasa ng optikal na sensor.
BABALA:
Para lang sa paglilibang; hindi para sa medikal na paggamit ang feature na optikal na tibok ng puso.
BABALA:
Palaging kumonsulta sa doktor bago magsimula ng programa sa pagsasanay. Puwedeng magdulot ng matinding pinsala ang labis na pagpapagod.