Ang display ay may tatlong feature na maaari mong i-adjust: ang antas ng liwanag (Brightness), kung magpapakita ba ng anumang impormasyon ang inactive na display (Always-on display), at kung maa-activate ba ang display kapag inangat at inikot mo ang iyong pulso (Raise to wake).
Maaaring i-adjust ang mga feature ng display mula sa mga setting sa General > Display.
Tinutukoy ng setting ng Brightness ang kabuuang intensity ng liwanag ng display; Low, Medium o High.
Tinutukoy ng setting ng Always-on display kung blangko ang inactive display o nagpapakita ng impormasyon, halimbawa, oras. Ang Always-on display ay maaaring i-on o i-off:
Ina-activate ng Raise to wake na feature ang display kapag inangat mo ang iyong pulso para tingnan ang relo. Ang tatlong opsyon ng Raise to wake ay ang:
Nakakabawas ng buhay ng baterya at maaaring magdulot ng screen burn-in ang matagal na paggamit ng display na may mataas na antas ng liwanag. Iwasan ang matagal na paggamit ng mataas na antas ng liwanag para mapahaba ang itatagal ng display.
Para sa impormasyon sa liwanag ng dive display, tingnan ang Settings ng pagsisid.