Maaari mong gamitin ang iyong Suunto Ocean para sa snorkeling at mermaid diving. Ang dalawang aktibidad na ito ay mga normal na sport mode at napipili gaya ng anumang ibang sport mode, tingnan ang Pagrerekord ng ehersisyo.
May apat na display ng ehersisyo ang mga sport mode na ito na nagpo-pokus sa data na may kaugnayan sa pag-dive. Ang apat na display ng ehersisyo ay ang:
Surface
Nabigasyon
Sesyon ng pag-dive
Underwater
Hindi naka-activate ang touch screen kapag nasa ilalim ng tubig ang relo.
Ang Surface view ang default na view para sa Snorkeling at Mermaiding. Habang nagrerekord ng ehersisyo, maaari mong i-browse ang iba't ibang view sa pamamagitan ng pagpindot sa gitnang button.
Ang Suunto Ocean ay awtomatikong nagpapalipat-lipat sa surface at dive state. Kung ikaw ay nasa higit sa 1 m (3.2 ft) sa ilalim ng surface, naa-activate ang underwater na view.
Kapag ginagamit ang Snorkeling mode, dumedepende ang relo sa GPS para sukatin ang distansya. Dahil hindi umaabot sa ilalim ng tubig ang GPS signal, kailangang iahon ang relo sa tubig paminsan-minsan para makakuha ng GPS fix.
Mahirap ang mga kondisyong ito para sa GPS, kaya mahalagang mayroon kang malakas na GPS signal bago ka lumusong sa tubig. Para matiyak na malakas ang iyong GPS, dapat mong:
Pagkapili mo ng Snorkeling mode, maghintay ng kahit tatlong minuto sa lupa bago simulan ang iyong aktibidad. Bibigyan nito ng panahon ang GPS na magtakda ng magandang posisyon.
Habang nag-i-snorkel, inirerekomenda naming ilagay mo ang iyong mga kamay sa ibabang bahagi ng iyong likod para sa maayos na paggalaw ng tubig at pinakamainam na pagsukat ng distansya.