Mga uri ng mga pag-iingat para sa kaligtasan
Mga pag-iingat para sa kaligtasan
Ilayo ang USB cable sa mga medikal na kagamitan tulad ng mga pacemaker, maging mga key card, credit card at katulad na item. Ang device connector ng USB cable ay may malakas na magnet na maaaring makasagabal sa paggana ng mga medikal o iba pang elektronikong device at item na may magnetically stored na data.
Maaaring magkaroon ng mga allergic na reaksyon o iritasyon sa balat kapag nalapat sa balat ang produkto, kahit na sumusunod ang aming mga produkto sa mga pamantayan ng industriya. Kapag nangyari ito, ihinto kaagad ang paggamit nito at kumonsulta sa doktor.
Palaging kumonsulta sa iyong doktor bago magsimula ng programa sa pag-eehersisyo. Puwedeng magdulot ng matinding pinsala ang labis na pagpapagod.
Para sa panlibangang paggamit lang.
Huwag lubusang umasa sa GPS o sa tagal ng buhay ng baterya ng produkto. Palaging gumamit ng mga mapa at iba pang backup na materyal para matiyak ang iyong kaligtasan.
SIGURADUHIN ANG WATER RESISTANCE NG APARATO! Maaaring labis na makapinsala sa yunit ang kahalumigmigan sa loob ng aparato. Isang awtorisadong Sentro ng Serbisyo ng Suunto lamang ang dapat gumawa ng panserbisyong mga aktibidad.
Huwag gamitin ang Suunto USB Cable sa mga lugar kung saan may mga gas na madaling lumiyab. Maari itong magdulot ng pagsabog.
Huwag kalasin o i-remodel ang Suunto USB Cable sa anumang paraan. Maaari kang makuryente o magsanhi ng sunog kapag ginawa ito.
Huwag gamitin ang Suunto USB Cable kung may sira ang cable o ang mga parte nito.
I-charge lang ang iyong relo gamit ang mga USB adapter na sumusunod sa IEC 62368-1 na pamantayan at may maximum output na 5 V. Maaaring magsanhi ng sunog at kapinsalaan ang mga adapter na hindi sumusunod sa pamantayan at maaaring makasira ito sa iyong Suunto device.
HUWAG hayaang lumapat ang mga connector pin ng USB cable sa anumang surface na nadadaluyan ng kuryente. Maaari nitong i-short circuit ang cable, kaya maaaring hindi na ito magamit.
Gamitin ang ibinigay na charging cable lamang kapag icha-charge ang iyong Suunto Ocean.
HUWAG gamitin ang USB cable kapag basa ang Suunto Ocean. Maaari itong magdulot ng pagpalya ng kuryente. Tiyaking tuyo ang cable connector at connector pin area ng device.
Huwag pahiran ng anumang uri ng solvent ang produkto dahil maaari nitong mapinsala ang surface ng produkto.
Huwag pahiran ng insect repellent ang produkto dahil maaari nitong mapinsala ang surface ng produkto.
Huwag bastang itapon ang produkto, at sa halip ay ituring itong elektronikong basura para hindi ito makasira sa kapaligiran.
Huwag ihampas o ibagsak ang produkto dahil maaari itong masira.
Puwedeng makahawa ang mga de-kolor na strap sa ibang tela o sa balat kapag bago o basa.
Sa Suunto, gumagamit kami ng mga advanced na sensor at algorithm para bumuo ng mga sukatang makakatulong sa iyo sa iyong mga aktibidad at adventure. Nagsusumikap kaming maging tumpak hangga’t maaari. Gayunpaman, hindi lubos na maaasahan ang data na kinokolekta ng aming mga produkto at serbisyo, gayundin ang mga nakukuhang sukat ng mga ito. Posibleng hindi tumugma sa reyalidad ang mga calorie, tibok ng puso, lokasyon, pagtukoy ng galaw, shot recognition, mga indicator ng pisikal na stress, at iba pang sukatan. Ang mga produkto at mga serbisyo ng Suunto ay para lang sa paglilibang at hindi ginawa para sa anumang uri ng medikal na layunin.