Suunto Kailash susuriin ang iyong lokasyon sa bawat 10 minuto upang i-update ang iyong oras, posisyon at 7R statistics. Sa karaniwang pang-araw-araw na paggamit, sapat lang ang agwat na ito upang magbigay sa iyo ng magandang mga detalye sa paglalakbay habang mina-maximaze ang baterya.
Gayunpaman, may mga pagkakataon na gusto mo ng mga mas espesipikong detalye, gaya ng pagtakbo sa umaga sa isang bagong lungsod o pagha-hike sa isang lokal na pambansang liwasan.
Gumagamit ang activity mode ng high power GPS at GLONASS na may takdang pagitan na isang segundo upang bigyan ka ng mas tumpak na pagsubaybay para sa pagna-navigate sa mga parke at kalye sa lungsod, gayundin ang pagdaragdag ng katumpakan ng iyong 7R statistics.
Ginagamit lang ang GLONASS sa activity mode. Gumagamit ng GPS ang normal na pagsubabay para sa 7R statistics.
Upang simulan ang activity mode, pindutin lang nang matagal ang 7R button.
Habang nasa activity mode, ipinapakita ng display ang:
Maaari mong baguhin ang bottom row view sa pamamagitan ng pagpindot sa lower button. Pindutin ang middle button upang mag-navigate sa espesipikong lokasyon (tingnan ang Hanapin ang pabalik).
Maaari mong i-pause at ipagpatuloy ang activity mode sa pamamagitan ng pagpindot sa 7R button. Upang ihinto ang activity mode, pindutin nang matagal ang 7R button. Kung puno ang baterya, maaari kang mag-record ng mga pitong oras gamit ang activity mode.
Awtomatikong made-deactivate ang activity mode kung:
Kapag awtomatikong huminto ang activity mode, aabisuhan ka ng relo ng mensaheng Resuming normal GPS (Ipagpapatuloy ang normal na GPS).
O kaya naman, maaari mong i-deactivate ang activity mode anumang oras sa pamamagitan ng pagpindot nang matagal sa 7R button. Inirerekomenda namin ang pagde-deactivate ng activity mode kung magtatagal ka ng ilang sandali sa isang lugar, gaya ng paghinto para sa isang picnic kapag nagha-hike, upang mabawasan ang paggamit ng baterya.
Sa tuwing gagamitin mo ang activity mode, mag-iimbak ang iyong relo ng isang log ng pagre-record sa logbook. Bilang karagdagan sa oras at petsa, ipinapakita rin ng log ang distansya, tagal, average na bilis, maximum na bilis at average na pace.
Upang tingnan ang mga activity log:
Hanggang 100 log ang maaaring iimbak sa logbook. Kapag puno na ang logbook, unang mabubura ang mga pinakalumang log.