Suunto is committed to achieving Level AA conformance for this website in conformance with the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG) 2.0 and achieving compliance with other accessibility standards. Please contact Customer Service at USA +1 855 258 0900 (toll free), if you have any issues accessing information on this website.

Suunto Kailash Gabay ng Gumagamit - 2.0

Oras

Maaari mong gamitin ang Suunto Kailash upang subaybayan ang tatlong iba't ibang oras: lokal na oras, oras ng tahanan at pandaigdigang oras.

Ang lokal na oras ay ang oras sa iyong kasalukuyang lokasyon. Tingnan ang Lokal na oras.

Ang oras ng tahanan ay ang oras sa pangunahin mong tirahan, na maaari mong tukuyin sa pamamagitan ng setting sa lokasyon ng tahanan. Tingnan ang Oras ng tahanan.

Ang pandaigdigang oras ay ang oras sa isang lokasyon na pinili mo, gaya ng pangalawang opisina o ng paborito mong bakasyunan. Tingnan ang Pandaigdigang Oras.

Lokal na oras

Ang lokal o pangunahing oras ay ang oras sa kasalukuyan mong lokasyon. Awtomatiko itong mase-set at patuloy na maa-update hangga't naka-on ang oras ng GPS at DST. Kung ise-set mo ang lokal na oras nang manu-mano, ia-update pa rin ito nang awtomatiko maliban na lang kung io-off mo ang oras ng GPS (tingnan ang Oras ng GPS).

Maaari mong i-adjust ang lokal na oras nang mano-mano sa menu ng mga opsyon sa ilalim ng TIME & DATE (ORAS AT PETSA) » Time & date (Oras at petsa).

Oras ng tahanan

Ang oras ng tahanan ay pangalawa at opsyonal na oras na maaari mong subaybayan sa sandaling mai-set mo na ang iyong lokasyon ng tahanan (tingnan ang Lokasyon ng tahanan). Pananatilihing napapanahon ang oras ng tahanan ayon sa oras ng GPS at DST.

Makikita ang oras ng tahanan sa display ng timeline kung ang oras ng iyong tahanan ay iba sa pangunahin mong oras, halimbawa, kung nagbibiyahe ka. Pindutin ang ibabang button upang magpalit ng mga view at makita ang oras ng iyong tahanan.

home time view

Pandaigdigang Oras

Ang pandaigdigang oras ay opsyonal na setting ng oras na maaari mong gamitin, halimbawa, para masubaybayan ang oras sa isang pangalawang internasyonal na opisina. Maaari itong maging kahit aling pangunahing lungsod sa mundo.

Para i-set ang pandaigdigang oras:

  1. Pindutin nang matagal ang gitnang button upang pumunta sa menu ng mga opsyon.
  2. Pindutin ang ibabang button upang mag-scroll sa TIME & DATE (ORAS AT PETSA) at pumili sa pamamagitan ng gitnang button.
  3. Pindutin ang ibabang button upang mag-scroll sa World time (Pandaigdigang oras) at pumili sa pamamagitan ng gitnang button.
  4. I-set ang World time (Pandaigdigang oras) sa On (Naka-on) sa pamamagitan ng 7R na button.
  5. Mag-scroll sa pamamagitan ng ibabang button patungo sa listahan ng kontinente at Pumili ng Continent (Kontinente) sa pamamagitan ng gitnang button.
  6. Ulitin ito patungo sa Country (Bansa) pagkatapos ay sa City (Lungsod).

world time view

Mga view na oras

Ipinakikita ang karagdagang impormasyon sa mga view sa ilalim ng pangunahing display ng oras. Umikot sa mga view sa pamamagitan ng pagpindot sa ibabang button. Ang default na mga view ay baterya, altitude, pagsikat/paglubog ng araw, pambilang ng hakbang, mga segundo at petsa.

time views

Opsyonal ang karamihan sa mga view na ito at kung gusto, maaaring i-off ang mga ito sa menu ng mga opsyon sa ilalim ng GENERAL (PANGKALAHATAN) » Views (Mga View).

Pagsikat/paglubog ng araw

Ayon sa iyong kasalukuyang lokasyon ang pagsikat at paglubog ng araw. Available ito bilang isang view sa display ng timeline at maaaring i-on/i-off sa menu ng mga opsyon sa ilalim ng GENERAL (PANGKALAHATAN) » Views (Mga View).

Petsa

Ayon sa iyong kasalukuyang lokasyon ang makikitang petsa sa display ng timeline. Maaari mong i-on/i-off ang view na ito sa ilalim ng GENERAL (PANGKALAHATAN) » Views (Mga View).

Awtomatikong naa-update ang petsa kapag naka-on ang oras ng GPS. Maaari mong baguhin nang mano-mano ang petsa sa menu ng mga opsyon sa ilalim ng TIME & DATE (ORAS AT PETSA) » Time & date (Oras at petsa).

Oras ng GPS

Maaaring gamitin ang oras ng GPS upang panatilihing napapanahon ang iyong (mga) oras. Kapag nagbibiyahe ka patungo sa isang bagong time zone, awtomatikong susuriin at ia-update ng relo ang iyong (mga) oras nang naaayon.

Naka-on ang oras ng GPS bilang default. Maaari mo itong i-off sa menu ng mga option sa ilalim ng TIME & DATE (ORAS AT PETSA) » Time & date (Oras at petsa).

Daylight Saving Time (DST)

Kung gumagamit ka ng oras na GPS (tingnan ang Oras ng GPS), maaari mo ring awtomatikong i-adjust ang iyong oras para sa Daylight Saving Time (DST). May tatlong opsyon ang setting ng DST.

  • Automatic (Awtomatiko) – awtomatikong pag-a-adjust ng DST batay sa lokasyon ng GPS
  • Winter time (Oras ng taglamig) – palaging oras ng taglamig (walang DST)
  • Summer time (Oras ng tag-araw) – palaging ginagamit ang oras ng tag-araw

Maaari mong i-adjust ang setting ng DST sa ilalim ng TIME & DATE (ORAS AT PETSA) » Time & date (Oras at petsa). Tandaang makikita lang ang setting kung naka-on ang oras ng GPS.

Table of Content