Suunto Kailash ay may dalawang indicator ng panahon: lagay ng panahon at hudyat ng bagyo.
Ang indicator ng lagay ng panahon ay makikita bilang isang view sa display ng oras, na magbibigay sa iyo ng mabilis na paraan upang matingnan ang pabago-bagong lagay ng panahon.
Ang indicator ng lagay ng panahon ay binubuo ng dalawang linyang bumubuo ng arrow. Ang bawat linya ay sumasagisag sa 3-oras. Ang pagbabago sa barometric pressure na mas malaki sa 2 hPa (0.59 inHg) sa mahigit tatlong oras ay nagiging dahilan ng pagbabago sa direksyon ng arrow. Halimbawa:
matindi ang pagbaba ng pressure sa nakalipas na anim na oras | |
hindi nagbabago ang pressure, ngunit matindi ang pagtaas sa nakalipas na tatlong oras | |
matindi ang pagtaas ng pressure, ngunit matindi ang pagbaba sa nakalipas na tatlong oras |
Ang ibig sabihin ng malaking pagbagsak sa barometric pressure ay karaniwang magkakabagyo at kailangan mong sumilong. Kapag ang aktibo ang alarma ng bagyo Magpapatunog ang Suunto Kailash ng alarma at magfa-flash ng simbolo ng bagyo kapag bumaba ang pressure sa 4 hPa (0.12 inHg) o mas mababa pa sa loob ng 3 oras.
Kapag tumunog ang alarma ng bagyo, tinatapos ng pagpindot sa kahit anong button ang alarma. Kung walang pipindutin na button, uulit ang alarma ng isang beses pagkatapos ng limang minuto. Mananatiling nasa display ang simbolo ng bagyo hanggang sa umayos ang lagay ng panahon (kapag bumagal ang pagbagsak ng pressure).