Suunto is committed to achieving Level AA conformance for this website in conformance with the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG) 2.0 and achieving compliance with other accessibility standards. Please contact Customer Service at USA +1 855 258 0900 (toll free), if you have any issues accessing information on this website.

Suunto Essential Gabay ng Gumagamit -

Pagkuha ng mga tamang reading

Para matiyak ang mga tamang reading ng compass habang nasa mode na COMPASS: Compass

  • i-calibrate nang wasto ang compass kapag na-prompt (tingnan ang Pagka-calibrate sa compass)
  • i-set ang tamang value ng deklinasyon
  • panatilihing nakatuwid ang device
  • ilayo mula sa mga metal (hal. mga alahas) at magnetic field (hal. mga linya ng kuryente)

Pagka-calibrate sa compass

Kailangang maingat na ma-calibrate ang device sa unang pagkakataon ng paggamit at kapag pinalitan ang baterya. Palagi kang aabisuhan ng device tungkol dito kapag kinakailangan nito.

Para i-calibrate ang compass:

  1. Panatilihing pantay ang device, huwag itatagilid ito saan mang direksyon.
  2. Dahan-dahang iikot pakanan ang device (mga 15 segundo kada ikot) hanggang sa ma-activate ang compass.
PAALALA:

Kung makapansin ka ng mga pagkakaiba sa compass, maaari mong muling i-calibrate ito sa pamamagitan ng pagpapanatiling pantay dito at saka ito iikot pakanan nang dahan-dahan nang 5-10 beses habang nasa mode na compass.

TIP:

Muling i-calibrate ang compass bago ang bawat paggamit para sa pinakatumpak na posible.

Getting right readings

Pagse-set sa sukat ng deklinasyon

Tumuturo sa true North ang mga mapang papel. Subalit, ang mga compass ay nakaturo sa magnetic north – isang rehiyon sa itaas ng Lupa kung saan humihila ang mga magnetic field ng Lupa. Dahil wala sa parehong lokasyon ang magnetic North at true North, dapat mong i-set ang sukat ng deklinasyon sa iyong compass. Ang anggulo sa pagitan ng magnetic at true north ay ang iyong sukat ng deklinasyon.

Setting declination value

Lumilitaw ang sukat ng deklinasyon sa karamihan ng mga mapa. Nagbabago taun-taon ang lokasyon ng magnetic North, kaya ang pinakatumpak at up-to-date na value ng deklinasyon ay maaaring makuha sa internet (bilang halimbawa sa National Geophysical Data Center para sa USA)

Gayunpaman, ang mga mapang orienteering ay iginuguhit nang nauugnay sa magnetic North. Ang ibig sabihin nito ay kapag gumagamit ka ng mga orienteering map kailangan mong i-off ang pagtatama sa value ng deklinasyon sa pamamagitan ng pag-set sa value ng deklinasyon sa 0 degrees.

Upang i-set ang value ng deklinasyon:

  1. Sa Menu, piliin ang Compass.
  2. I-off ang deklinasyon o piliin ang W (kanluran) o E (silangan).
  3. I-set ang value ng deklinasyon gamit ang + at - Light.

Table of Content