Suunto is committed to achieving Level AA conformance for this website in conformance with the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG) 2.0 and achieving compliance with other accessibility standards. Please contact Customer Service at USA +1 855 258 0900 (toll free), if you have any issues accessing information on this website.

Suunto Essential Gabay ng Gumagamit -

Paggamit ng compass

Kapag nasa mode ka ng Compass, makakakita ka ng dalawang gumagalaw na segment na nasa gilid ng display. Tumuturo ang mga ito patungo sa North. Ipinapakita ng hairline sa 12 o' clock ang iyong pupuntahan at gumagana bilang isang arrow ng direksyon ng compass. Ang numerical na value ng iyong pupuntahan ay ipinapakita sa gitna ng display.

Sa mode na Compass maaari mong i-access ang mga sumusunod na view gamit ang [View]:

  • Oras: ipinapakita ang kasalukuyang oras
  • Mga cardinal: ipinapakita ang kasalukuyang pupuntahan sa mga direksyon na cardinal
  • Bearing tracking: ipinapakita ng bearing tracking ang direksyon sa pagitan ng pupuntahan at ng naka-set na bearing

Kusang lilipat ang compass sa mode ng pagtitipid ng power pagkatapos ng isang minuto kung walang nakapindot na button. Muling i-activate ito gamit ang Start Stop.

Maaari mong gamitin ang compass sa dalawang paraan: maaari mong gamitin ang bezel o ang bearing tracking.

Using compass

Paggamit ng bearing tracking

Sa bearing tracking maaari kang mag-lock ng bearing (direksyon) at gagabayan ka ng compass ng iyong Suunto Essential kasabay nito.

Upang gamitin ang bearing tracking:

  1. Ituro ang arrow ng compass sa direksyon na gusto mong lakbayin at pindutin ang Start Stop. Naka-lock na ang bearing. Ipinapakita ang iyong kasalukuyang patutunguhan sa gitna ng display, at magbabago ito ayon sa iyong mga pagkilos.
  2. Ang mga arrow na nasa ibabaw na row ng display ay itinuturo ka sa direksyon na kailangan mong sundan upang manatili sa iyong ninanais na bearing. Ang bearing icon simbolo ay isang kompirmasyon na nakatutok ka patungo sa tamang direksyon.
PAALALA:

Ina-activate din ng pagpindot sa - Light ang backlight.

Nagha-hike ka at kaaakyat mo lang sa isang matarik na burol. Nang dumungaw ka sa lambak sa ibaba, nakakita ka ng isang kubo sa ibabaw ng isa pang burol. Nagpasya kang mag-hike sa kubo patawid sa lambak. Itinuro mo ang direksyon ng arrow ng compass ng iyong tungo sa kubo at ni-lock ang bearing. Sa sandaling nasa lambak ka na, ipapakita sa iyo ng mga arrow na nasa ibabaw na hanay ng display kung saan ka pupunta. Dahil aktibo ang compass nang hanggang 40 segundo lang sa bawat pagkakataon upang makatipid sa itatagal ng baterya, paminsan-minsan kailangan mong muling simulan ang compass upang alamin ang iyong pupuntahan. Tumingin palagi rito at makararating ka roon.

Table of Content