Bilang default, isinasaalang-alang ng Suunto Ambit3 Vertical ang naabot at hindi naabot na taas kapag nagsusukat ng distansya. Magbibigay ito sa iyo ng mas makatotohanang sukat ng distansya kapag nag-eehersisyo ka sa maburol o bulubunduking lugar. Sa ganitong sitwasyon, mas malaki ang distansyang 3D kaysa sa distansyang 2D.
Kadalasan, maaaring hindi mo na kailangang galawin ang setting na ito. Gayunpaman, kung gumagamit ka ng 3rd-party na software upang suriin ang mga track, tingnan kung paano kinakalkula ang distansya ng track. Kung gumagamit ang kalkulasyon ng distansyang 2D, maaari mong i-deactivate ang distansyang 3D sa iyong relo.
Upang i-deactivate ang distansyang 3D: