Pagsisimula
Mga button at menu
Suunto Ambit3 Peak ay may limang button na nagbibigay sa iyo ng kakayahang puntahan ang lahat ng feature.

Start Stop:
- pindutin upang puntahan ang start menu
- pindutin upang simulan, i-pause o ituloy ang isang ehersisyo o timer
- pindutin upang magdagdag ng value o pumunta paitaas sa menu
- pindutin nang matagal para ihinto at i-save ang isang ehersisyo
Next:
- pindutin upang palitan ang mga display
- pindutin upang i-accept ang isang setting
- pindutin nang matagal para pumunta/lumabas sa menu ng mga opsyon
- pindutin nang matagal para pumunta/lumabas sa menu ng mga opsyon sa mga sport mode
Light Lock:
- pindutin upang i-activate ang backlight
- pindutin upang magdagdag ng value o pumunta pababa sa menu
- pindutin nang matagal para i-lock/i-unlock ang mga button
View:
- pindutin upang palitan ang view ng ibabang row
- pindutin nang matagal para magpapalit-palit ng display sa pagitan ng maliwanag at madilim
- pindutin nang matagal upang pumunta sa shortcut (tingnan ang Mga shortcut)
Back Lap:
- pindutin upang bumalik sa nakaraang menu
- pindutin upang magdagdag ng lap habang nag-eehersisyo
TIP:
Kapag nagpapalit ng mga value, maaari mong dagdagan ang bilis sa pagpindot nang matagal sa Start Stop o Light Lock hanggang sa magsimulang mag-scroll nang mas mabilis ang mga value.