Suunto is committed to achieving Level AA conformance for this website in conformance with the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG) 2.0 and achieving compliance with other accessibility standards. Please contact Customer Service at USA +1 855 258 0900 (toll free), if you have any issues accessing information on this website.

Suunto Ambit2 S Gabay sa User - 2.0

Pagpe-pair ng POD/heart rate belt

I-pair ang iyong Suunto Ambit2 S sa mga opsyonal na Suunto POD (Bike POD, heart rate belt, Foot POD o Cadence POD) at ANT + mga POD para makatanggap ng karagdagang impormasyon sa bilis, distansya at cadence habang nag-eehersisyo. Bumisita sa www.thisisant.com/directory para sa isang listahan ng mga tugmang ANT+ na produkto.

Makakapag-pair ka ng hanggang anim na POD anumang oras:

  • tatlong Bike POD (isang Bike POD lang ang magagamit bawat pagkakataon)
  • isang Cadence POD
  • isang Foot POD
  • isang Power POD

Kung magpe-pair ka ng mas maraming POD, tinatandaan ng Suunto Ambit2 S ang pinakahuling nai-pair na POD sa bawat uri ng POD.

Ang heart rate belt at/o POD na kasama ng iyong Suunto Ambit2 S ay magka-pair na. Kailangan lamang ang pagpe-pair kung gusto mong gumamit ng bagong heart rate belt o isang POD kasama ng aparato.

Para mag-pair ng isang POD/heart rate belt:

  1. I-activate ang POD/heart rate belt:
  2. Bike POD: paikutin ang gulong kasama ng nakakabit na Bike POD.
  3. Power POD: paikutin ang crank o gulong kasama ng nakakabit na Power POD.
  4. Heart rate belt: basain nang kaunti ang mga contact area at isuot ang belt.
  5. Cadence POD: paikutin ang pedal ng bisikleta kasama ng nakakabit na Cadence POD.
  6. Foot POD: i-tilt ang Foot POD nang 90 degree.
  7. Pindutin nang matagal ang Next upang makapasok sa menu ng mga opsyon.
  8. Mag-scroll sa Pair (I-pair) gamit ang Light Lock at pumasok gamit ang Next.
  9. Mag-scroll sa mga opsyon ng accessory na Bike POD, Power POD, HR belt, Foot POD at Cadence POD gamit ang Start Stop at Light Lock.
  10. Pindutin ang Next para pumili ng isang POD o heart rate belt at simulan ang pagpe-pair.
  11. Ilapit ang iyong Suunto Ambit2 S sa POD/belt (<30 cm) at hintayin ang aparato na mag-abiso na nai-pair na ang POD/belt. Kung mabigo ang pagpe-pair, pindutin ang Start Stop para muling subukan, o ang Light Lock para bumalik sa setting ng pagpe-pair.

pairing pod Ambit2

PAALALA:

Makakapag-pair ka ng magkakaibang uri ng mga power POD sa iyong Suunto Ambit2 S. Para sa karagdagang impormasyon, tingnan ang ganay ng gumagamit ng power POD.

TIP:

Maa-activate mo rin ang heart rate belt sa pamamagitan ng pagbasa ang kaunti at pagpindot sa magkabilang electrode contact area.

Pagtu-troubleshoot: Nabigo ang pagpe-pair sa heart rate belt

Kung mabigo ang pagpe-pair sa heart rate belt, subukan ang sumusunod:

  • Tiyakin na ang strap ay konektado sa module.
  • Tiyakin na tama ang pagkakasuot mo sa heart rate belt (tingnan ang Pagsuot sa heart rate belt).
  • Tiyakin na ang mga electrode contact area ng heart rate belt ay mamasa-masa.

Para sa karagdagang impormasyon sa pagpapares ng mga POD, tingnan ang gabay ng gumagamit ng POD.

Table of Content