Pagpe-pair ng POD/heart rate belt
I-pair ang Suunto Ambit2 R sa isang opsyonal na heart rate belt o Foot POD ng Suunto para makatanggap ng dagdag na impormasyon sa bilis, distansya at indayog sa panahon ng pag-eehersisyo. Maaari ka ring gumamit ng ibang mga ANT+ heart rate belt o foot POD. Bumisita sa www.thisisant.com/directory para sa isang listahan ng mga tugmang ANT+ na produkto.
Ang heart rate belt at/o POD na kasama ng iyong Suunto Ambit2 R ay magka-pair na. Kailangan lang ang pairing kung gusto mong gumamit ng bagong heart rate belt o isang POD kasama ng relo.
Para mag-pair ng isang POD/heart rate belt:
- I-activate ang POD/heart rate belt:
- Heart rate belt: basain nang kaunti ang mga contact area at isuot ang belt.
- Foot POD: alugin nang mabilis at tamaan ang sapatos (gamit ng POD) sa lupa.
- Pindutin nang matagal ang Next upang makapasok sa menu ng mga opsyon.
- Mag-scroll sa Pair (I-pair) gamit ang Light Lock at pumasok gamit ang Next.
- Mag-scroll sa mga opsyon ng aksesorya gamit ang Start Stop at Light Lock.
- Pindutin ang Next para pumili ng isang POD o heart rate belt at simulan ang pagpe-pair.
- Ilapit ang iyong Suunto Ambit2 R sa POD/belt (<30 cm) at hintayin ang ang relo na mag-abiso na na-pair na ang POD/belt.
Kung mabigo ang pagpe-pair, pindutin ang Start Stop para muling subukan, o ang Light Lock para bumalik sa setting ng pagpe-pair.
TIP:
Maa-activate mo rin ang heart rate belt sa pamamagitan ng pagbasa ang kaunti at pagpindot sa magkabilang electrode contact area.
Pagta-troubleshoot: Nabigo ang pagpe-pair sa heart rate belt
Kung mabigo ang pagpe-pair sa heart rate belt, subukan ang sumusunod:
- Tiyakin na ang strap ay konektado sa module.
- Tiyakin na tama ang pagkakasuot mo sa heart rate belt (tingnan ang Pagsuot sa heart rate belt).
- Tiyakin na ang mga electrode contact area ng heart rate belt ay mamasa-masa.
Para sa karagdagang impormasyon sa pagpe-pair ng mga POD, tingnan ang mga gabay ng gumagamit ng POD.