Pag-calibrate sa mga power POD at slope
Suunto Ambit2 awtomatikong kina-calibrate ang iyong power POD kapag nahanap nito ang POD. Maaari mo ring i-calibrate nang mano-mano ang power POD anumang oras habang nag-eehersisyo.
Upang i-calibrate nang mano-mano ang isang power POD:
- Habang nasa isang sport mode ka, pindutin nang matagal ang Next para mapuntahan ang menu ng mga opsyon.
- Huminto sa pagpidal at tanggalin ang iyong mga paa sa mga pidal.
- Mag-scroll sa Calibrate Power POD (I-calibrate ang Power POD) gamit ang Light Lock at piliin gamit ang Next.
Suunto Ambit2 sinisimulan ang pag-calibrate sa POD at ipinapakita kung nagtagumpay o nabigo ang pagka-calibrate. Ipinapakita ng nasa ibabang hanay ng display ang kasalukuyang frequency na ginagamit sa power POD. Ang naunang frequency ay ipinapakita sa mga parenthesis.
Kung ang iyong power POD ay may tampok na auto zero, maaari mo itong ilagay sa on/off sa pamamagitan ng iyong Suunto Ambit2.
Upang ilagay ang auto zero sa on/off:
- Pagkatapos makumpleto ang pagka-calibrate, pindutin ang Start Stop.
- Ilagay ang auto zero sa On/Off (Naka-on/Naka-off) gamit ang Light Lock at tanggapin gamit ang Next.
- Maghintay hanggang makumpleto ang setting.
- Ulitin ang procedure kung mabigo ang setting o mawala ang power POD.
Maaari mong i-calibrate ang slope para sa mga power POD na gumagamit ng Crank Torque Frequency (CTF).
Upang i-calibrate ang slope:
- Pagkatapos makumpleto ang pagka-calibrate ng power POD, pindutin ang Start Stop.
- Itakda ang tamang bilang ayon sa manwal ng iyong power POD gamit ang Light Lock at tanggapin gamit ang Next.
- Maghintay hanggang makumpleto ang setting.
- Ulitin ang procedure kung mabigo ang setting o mawala ang power POD.