Paggamit sa heart rate belt
Maaaring gamitin ang isang heart rate belt habang nag-eehersisyo. Kapag gumagamit ka ng isang heart rate belt, binibigyan ka ng Suunto Ambit2 ng karagdagang impormasyon tungkol sa iyong mga aktibidad.
Nagbibigay-daan ang paggamit sa isang heart rate belt sa karagdagang impormasyon habang nag-eehersisyo:
- heart rate sa mismong oras ng pagbasa
- average na heart rate sa mismong oras ng pagbasa
- heart rate na naka-talangguhit
- mga calorie na nasunog sa pag-eehersisyo
- gabay sa pag-eehersisyo sa loob ng itinakdang limitasyon ng heart rate
- Peak Training Effect
Nagbibigay-daan ang paggamit sa isang heart rate belt sa karagdagang impormasyon pagkatapos ng pag-eehersisyo:
- mga calorie na nasunog sa pag-eehersisyo
- average na heart rate
- pinakamataas na heart rate
- tagal ng pag-recover
Pagtu-troubleshoot: Walang heart rate signal
Kung mawala ang heart rate signal, subukan ang sumusunod:
- Tiyakin na tama ang pagkakasuot mo sa heart rate belt (tingnan ang Pagsuot sa heart rate belt).
- Tiyakin na ng mga electrode area ng heart rate belt ay mamasa-masa.
- Palitan ang baterya ng heart rate belt, kung hindi mawala ang mga problema.
- Muling i-pair ang iyong heart rate belt sa aparato (tingnan ang Pagpe-pair ng POD/heart rate belt).
- Regular na labhan sa washing machine ang telang strap ng heart rate belt.