Suunto is committed to achieving Level AA conformance for this website in conformance with the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG) 2.0 and achieving compliance with other accessibility standards. Please contact Customer Service at USA +1 855 258 0900 (toll free), if you have any issues accessing information on this website.

Suunto Ambit2 Gabay sa User - 2.1

FusedSpeed

Ang FusedSpeedTM ay kakaibang kombinasyon ng GPS at mga reading ng sensor ng pagpapabilis ng pupulsuhan (wrist accleration sensor) para sa mas tumpak na pagsukat ng iyong bilis sa pagtakbo. Ang GPS signal ay naaayon na sinasala batay sa pagpapabilis ng pupulsuhan, na nagbibigay ng mas tumpak na reading sa di-nagbabagong bilis ng pagtakbo at mas mabilis na pagtugon sa mga pagbabago sa bilis.

FusedSpeed Ambit2

Ang FusedSpeedTM ay magiging higit na kapaki-pakinabang para sa iyo kung nangangailangan ka ng mabilisang reading sa bilis ng takbo habang nagsasanay, halimbawa, kapag tumatakbo sa hindi patag na lupa o kahit sa pagsasanay na may pagitan. Kung pansamantala kang mawalan ng GPS signal, halimbawa, dahil hinaharang ng isang gusali ang signal, nagagawa ng Suunto Ambit2 na patuloy na maipakita ang tumpak na reading ng bilis gamit ang accelometer na naka-calibrate sa GPS.

FusedSpeed2 Ambit2

PAALALA:

Ang FusedSpeedTM ay nilayon para sa pagtakbo at iba pang kahalintulad na uri ng aktibidad.

TIP:

Upang makuha ang pinakatumpak na reading gamit ang FusedSpeedTM, mabilis lang na sumulyap sa relo kapag kailangan. Ang paghawak sa relo sa harap mo nang hindi ito ginagalaw ay nakakabawas sa katumpakan.

Ang FusedSpeedTM ay awtomatikong ina-activate na may mga sumusunod na sport mode:

  • running
  • trail running
  • treadmill
  • orienteering
  • track and field
  • floor ball
  • football (soccer)

Table of Content