Suunto is committed to achieving Level AA conformance for this website in conformance with the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG) 2.0 and achieving compliance with other accessibility standards. Please contact Customer Service at USA +1 855 258 0900 (toll free), if you have any issues accessing information on this website.

Suunto 9 Peak Gabay sa User

KALIGTASAN

Mga uri ng mga pag-iingat para sa kaligtasan

BABALA:
  • ay ginagamit ito kaugnay sa isang pamamaraan o sitwasyon na puwedeng magdulot ng malubhang pinsala o kamatayan.
MAG-INGAT:
  • ginagamit ito kaugnay sa isang pamamaraan o sitwasyon na magdudulot ng pinsala sa produkto.
PAALALA:
  • ginagamit ito para bigyang-diin ang mahalagang impormasyon.
TIP:
  • ginagamit ito para sa mga ekstrang payo kung paano gagamitin ang mga feature at function ng device.

Mga pag-iingat para sa kaligtasan

BABALA:

Ilayo ang USB cable sa mga medikal na kagamitan tulad ng mga pacemaker, maging sa mga key card, credit card at katulad na item. Ang USB cable na tagakonekta ng device ay may malakas na magnet na maaaring makasagabal sa paggana ng mga medikal o iba pang elektronikong device at item na may magnetically stored na data.

BABALA:

Maaaring magkaroon ng allergic na reaksyon o iritasyon sa balat kapag nakalapat sa balat ang produkto, kahit na sumusunod ang aming mga produkto sa mga pamantayan ng industriya. Kapag nangyari ito, ihinto kaagad ang paggamit nito at kumonsulta sa doktor.

BABALA:

Palaging kumonsulta sa iyong doktor bago magsimula ng programa sa pag-eehersisyo. Puwedeng magdulot ng matinding pinsala ang labis na pagpapagod.

BABALA:

Para sa libangang paggamit lang.

BABALA:

Huwag lubusang umasa sa GPS o sa tagal ng buhay ng baterya ng produkto. Palaging gumamit ng mga mapa at iba pang pang-backup na materyal para matiyak ang iyong kaligtasan.

MAG-INGAT:

Huwag pahiran ang produkto ng anumang uri ng solvent dahil maaari nitong mapinsala ang surface nito.

MAG-INGAT:

Huwag pahiran ng insect repellent ang produkto dahil maaari nitong mapinsala ang surface nito.

MAG-INGAT:

Huwag itatapon ang produkto, sa halip, ituring itong elektronikong basura para hindi ito makasama sa kapaligiran.

MAG-INGAT:

Huwag ihampas o ibagsak ang produkto dahil maaari itong masira.

MAG-INGAT:

Puwedeng makahawa ang mga de-kulay na strap sa ibang tela o sa balat kapag bago o basa.

PAALALA:

Sa Suunto, gumagamit kami ng mga advanced na sensor at algorithm para bumuo ng mga sukatang makakatulong sa iyo sa iyong mga aktibidad at pakikipagsapalaran. Nagsusumikap kaming maging tumpak hangga’t maaari. Gayunpaman, walang data na nakolekta ng aming mga produkto at serbisyo ang lubusang maaasahan, hindi rin ganap na tumpak ang mga sukatang binubuo ng mga ito. Posibleng hindi tumugma sa realidad ang calories, heart rate, lokasyon, pagtukoy ng galaw, pagkilala sa shot, mga indicator ng pisikal na stress, at iba pang sukatan. Ang mga produkto at serbisyo ng Suunto ay para lang sa paglilibang at hindi ginawa para sa anumang uri ng mga medikal na layunin.

Table of Content