Suunto is committed to achieving Level AA conformance for this website in conformance with the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG) 2.0 and achieving compliance with other accessibility standards. Please contact Customer Service at USA +1 855 258 0900 (toll free), if you have any issues accessing information on this website.

Suunto 7 Gabay sa User

Tingnan at pamahalaan ang iyong mga Tile

Ang mga Tile ay isang mabilis na paraan para i-access ang impormasyon na pinakamahalaga para sa iyo, maging sa pagsusuri sa status ng iyong pagsasanay, sa lagay ng panahon, o sa pag-usad sa iyong mga pang-araw-araw na layunin sa aktibidad.

Suunto 7 ay may anim na na-preselect na Tile – Heart rate, Today, Resources, Sleep, Overview, at This week ng Suunto.

Tingnan at isaayos ang iyong mga Tile
Magdagdag ng bagong Tile
Tingnan ang iyong mga trend ng ehersisyo at pang-araw-araw na aktibidad sa Suunto

Tingnan at isaayos ang iyong mga Tile

  1. Habang nasa watch face, mag-swipe pakanan sa iyong screen para makita ang iyong mga Tile.
  2. Pumindot nang matagal sa anumang Tile at saka mag-tap sa mga arrow para baguhin ang pagkakasunod-sunod ng mga ito.

Puwede mo ring ayusin ang mga Tile sa Wear OS by Google app sa iyong telepono.

Magdagdag ng bagong Tile

  1. Habang nasa watch face, mag-swipe pakanan sa iyong screen para makita ang iyong mga Tile.
  2. Pindutin nang matagal ang alinmang Tile.
  3. Mag-swipe pakaliwa sa iyong mga Tile at i-tap ang + para magdagdag ng higit pang Tile.
  4. Mag-browse sa listahan at mag-tap ng Tile para piliin ito.

Puwede ka ring magdagdag ng mga Tile sa Wear OS by Google app sa iyong telepono.

Tingnan ang iyong mga trend ng ehersisyo at pang-araw-araw na aktibidad sa Suunto

Suunto 7 ay may anim na Tile ng Suunto – Heart rate, Today, Resources, Sleep, This week, at Overview – para tulungan kang subaybayan ang iyong pagsasanay at palagi kang motivated.

Mag-swipe pakaliwa para tingnan ang mga sukatan ng pang-araw-araw mong aktibidad. Mag-swipe ulit pakaliwa para mabilisang tingnan kung gaano karaming ehersisyo ang nagawa mo sa linggong ito o sa loob ng nakaraang 4 na linggo, kung anong sports ang nagawa mo na at kailan. Mag-swipe nang isa pang beses pakaliwa para sa mabilisang pagtingin sa kung gaano na ang nagawa mong ehersisyo, sapat ba ang naging nakakapagbalik-lakas na tulog mo, at kung sapat ka bang nakakapag-recover. Mag-tap para buksan ang Suunto Wear app para tingnan ang iyong diary.

PAALALA:

Pindutin nang matagal ang anumang Tile at saka mag-tap sa mga arrow para baguhin ang pagkakasunod-sunod ng mga ito.

tiles-suunto-hr

Heart rate

Nagbibigay ang Heart rate Tile ng mabilisang paraan para makita ang kasalukuyan mong heart rate at ipinapakita ng 24 na oras na graph kung paano nagbabago ang iyong heart rate sa buong araw - kapag nagpapahinga at kapag aktibo ka. Bagaman tuwing 10 minuto nag-a-update ang graph, sinusukat ang kasalukuyan mong heart rate bawat segundo para magbigay sa iyo ng updated na feedback.

tiles-suunto-today

Today
Tingnan ang iyong pag-usad sa pang-araw-araw na aktibidad gaya ng mga hakbang at calorie.

Ang kabuuang calories na nabawas mo bawat araw ay base sa dalawang salik: ang iyong Basal Metabolic Rate (BMR) at ang pisikal na aktibidad.

Ang iyong BMR ay ang dami ng mga calorie na mababawas ng iyong katawan habang nagpapahinga. Ito ang mga calorie na kailangan ng iyong katawan para manatiling mainit-init at magsagawa ng mga pangunahing kilos tulad ng pagkisap ng iyong mga mata o pagpintig ng iyong puso. Ang bilang na ito ay batay sa iyong personal na profile, kabilang ang mga salik na tulad ng edad at kasarian.

Ang bilog sa palibot ng calorie icon ay umuusad ayon sa kung gaano karaming aktibong calorie ang nabawas mo sa buong araw kumpara sa iyong layunin. Ipinapakita ng bilog sa palibot ng icon ng mga hakbang kung gaano karaming hakbang ang nagawa mo na sa buong araw kumpara sa iyong layunin.

Maaari ring i-edit ang iyong mga layunin sa pang-araw-araw na hakbang at calorie sa Suunto app sa iyong mobile phone.

PAALALA:

Habang nag-eehersisyo, sinusubaybayan ng Suunto 7 ang kabuuang enerhiya na nagagamit sa pag-eehersisyo (BMR + mga aktibong calorie).

PAALALA:

Posibleng magkaiba ang bilang ng hakbang sa Google Fit at Suunto Wear app dahil sa paggamit ng magkaibang algorithm.

PAALALA:

Naka-disable ang pagbilang ng hakbang sa ilan sa mga sport mode na may epekto rin sa pang-araw-araw na bilang ng hakbang. Nagpapakita ang Google Fit Tile ng mga hakbang para sa isang aktibidad na na-record gamit ang isa sa mga sport mode na ito, pero hindi naman nagpapakita nito ang Suunto Today tile.

tiles-suunto-body-resources

Resources

Nagbibigay ang Resources Tile ng mabilisang paraan para matingnan ang kasalukuyan mong antas ng resource o para makita kung paano nakakaapekto ang pagtulog, pang-araw-araw na aktibidad, at stress sa mga resource ng iyong katawan mula sa 24 na oras na graph. Bagaman tuwing 30 minuto nag-a-update ang graph, mas madalas ina-update ang kasalukuyan mong antas ng resource.

tiles-suunto-sleep

Sleep
Madalas na kaugnay ng mas magandang kalidad ng pagtulog at pag-recover ang hindi pabago-bagong iskedyul ng pagtulog. Tumutulong sa iyo ang Sleep Tile na subaybayan kung pare-pareho ba ang oras ng pagtulog mo o hindi. Ipinapakita ng graph ang mga tagal ng pagtulog, simula ng pagtulog, at oras ng paggising mo mula sa mga nakaraang linggo.

Kinakatawan ng mga naka-highlight na bahagi sa graph ng tulog ang nakaraang 7 araw ng na-track mong pagtulog. Tumutulong ito sa iyong ma-track kung nakakatulog ka nang sapat sa pangmatagalan.

Ipinapakita rin sa Tile na ito ang tagal ng nakaraan mong pagtulog at ang antas ng mga resource ng katawan na nakuha mo sa nakaraang pagtulog.

tiles-suunto-this-week

This week
Magpanatili ng isang magandang ritmo ng pagsasanay sa isang panlingguhang antas at manatiling motivated.

tiles-suunto-overview

Overview (nakalipas na 4 na linggo)
Panatilihing balanse ang iyong pagsasanay at pag-recover at maagang magplano o gumawa ng mga pagbabago kung kinakailangan.

PAALALA:

Magpapakita lamang ang mga Tile ng Suunto ng mga ehersisyong na-record sa pamamagitan ng Suunto Wear app sa iyong relo.

Table of Content