Suunto is committed to achieving Level AA conformance for this website in conformance with the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG) 2.0 and achieving compliance with other accessibility standards. Please contact Customer Service at USA +1 855 258 0900 (toll free), if you have any issues accessing information on this website.

Suunto 7 Gabay sa User

Makatanggap ng mga notification sa iyong relo

Puwede ring ipakita ng relo ang anumang mensahe, tawag, o notification na matatanggap mo sa iyong telepono.

Tingnan ang mga bagong notification
Pamahalaan ang iyong mga notification
Sagutin o tanggihan ang isang tawag
Sumagot sa isang mensahe gamit ang Android
Piliin kung aling mga notification ang ipapakita sa iyong relo
Pansamantalang i-silence ang mga notification
May problema sa pagtanggap ng mga notification?

Tingnan ang mga bagong notification

wear-os-new-notification

Kapag nakatanggap ka ng bagong notification, magva-vibrate ang iyong relo at ipapakita nito ang notification sa loob ng ilang segundo.

  • I-tap ang notification at mag-scroll pababa mabasa basahin ang buong mensahe.
  • Mag-swipe pababa para i-dismiss ang notification.

Pamahalaan ang iyong mga notification

wear-os-notification-stream

Kung hindi mo papansinin ang isang notification pagkatanggap mo nito, mase-save ang mensahe sa iyong notification stream. Ipinapakita ng maliit na ring sa ibaba ng watch face na mayroon kang bagong notification.

  • Habang nasa watch face, mag-swipe pataas para mag-scroll sa iyong notification.
  • I-tap para mapalawak ang isang mensahe para mabasa ito at makapag-react dito.
  • Mag-swipe pakaliwa o pakanan para i-dismiss ang isang notification.
  • Para i-clear ang lahat ng notification, mag-swipe pababa ng notification stream at piliin ang Clear all.

Sagutin o tanggihan ang isang tawag

wear-os-incoming-call

Kung makakatanggap ka ng tawag sa iyong telepono, makakakita ka ng notification ng isang papasok na tawag sa iyong relo. Puwede mong sagutin o tanggihan ang tawag mula sa iyong relo, pero telepono dapat ang gamitin mo para sa pakikipag-usap.

  • Mag-swipe pakaliwa o i-tap ang berdeng telepono para sumagot ng tawag.
  • Mag-swipe pakanan o i-tap ang pulang telepono para tanggihan ang isang tawag.
  • Para i- dismiss ang tawag gamit ang isang text, i-tap ang More » Send message, saka piliin ang nauna nang isinulat na text.

Sumagot sa isang mensahe gamit ang Android

wear-os-reply-to-message

Kung nakapares ang relo mo sa isang Android phone, puwede ka ring sumagot ng mga mensahe sa iyong relo.

  1. Mag-scroll hanggang sa ibaba ng isang mensahe.
  2. I-tap ang ReplyReply icon Wear OS.
  3. Mga opsyon: I-tap ang mikropono para sabihin ang iyong mensahe, piliin ang keyboard o emoji, o mag-scroll pababa para sa mga opsyon sa mga nauna nang isinulat na mensahe.
  4. Makakakita ka ng check mark sa iyong relo kapag naipadala na ang iyong mensahe.

Piliin kung aling mga notification ang ipapakita sa iyong relo

Kung gusto mo, puwede mong ihinto ang pagtanggap ng mga notification mula sa mga partikular na app.

  1. Habang nasa watch face, mag-swipe pababa mula sa itaas ng iyong screen.
  2. Pumunta sa SettingsSettings icon Wear OS » Apps & notifications.
  3. I-tap ang App notifications.
  4. Piliin kung aling mga app ang gusto mong magpakita ng mga notification.
PAALALA:

Puwede mo ring i-customize ang iyong mga setting ng notification sa Wear OS by Google app sa iyong telepono.

Pansamantalang i-silence ang mga notification

  1. Habang nasa watch face, mag-swipe pababa mula sa itaas ng iyong screen.
  2. I-tap ang Do not disturbDoNotDisturb icon Wear OS.

Kapag naka-on ang iyong Do not disturb, hindi magva-vibrate o magpapakita ng mga notification sa iyong relo kapag may dumating na notification, pero puwede mo pa ring makita ang mga iyon sa iyong notification stream.

May problema sa pagtanggap ng mga notification?

  • Siguraduhing nakakonekta ang iyong relo sa Wear OS by Google app sa iyong telepono.
  • Tingnan kung nakakonekta sa Internet ang iyong telepono.
  • Tingnan kung aktibo ang Do not disturb sa iyong relo.
  • Siguraduhing hindi mo ini-off ang mga notification para sa mga partikular na app.
  • Siguraduhing nakakatanggap ka ng mga notification sa iyong telepono.
  • Siguraduhing nakapares ang iyong relo sa iyong telepono.

Table of Content