Ang Google Pay™ ay ang mabilis at simpleng paraan para magbayad sa mga tindahan gamit ang iyong relong Wear OS by Google. Ngayon, puwede ka nang bumili ng iyong kape sa araw-araw nang hindi kinakailangang maghalungkat sa iyong wallet o telepono.
Para magamit ang Google Pay sa iyong relo, kailangang:
Hindi sinusuportahan sa mga relo ang paggamit ng PayPal sa Google Pay.
Gumagana ang Google Pay sa mga tindahang tumatanggap ng mga contactless na pagbabayad. Buksan lang ang Google Pay app, ipihit ang iyong pupulsuhan, at ilapit ang iyong watch face sa terminal hanggang sa makarinig ka ng tunog o makaramdam ka ng pag-vibrate. Kung tatanungin ka kung ano ang uri ng iyong card, piliin ang “credit” – kahit pa debit card ang gamit mo.
Kapag gumagamit ka ng relo sa pagbabayad sa mga tindahan, hindi aktwal na ipinapadala ng Google Pay ang iyong credit o debit card number kasama ng iyong bayad. Sa halip, isang naka-encrypt na virtual na account number ang ginagamit bilang kinatawan ng iyong impormasyon – kaya nananatiling ligtas ang mga detalye ng tunay mong card.
Kung mawawala o mananakaw ang iyong relo, i-lock at burahin ito sa pamamagitan ng Hanapin ang Aking Device.
Para sa higit pang tulong sa Google Pay, bumisita sa: