Google Fit
Ang Google Fit™ ay isang tracker ng aktibidad na gumagabay sa iyo tungo sa buhay na may mas magandang kalusugan at mas aktibo sa pamamagitan ng mga layunin ng aktibidad, gaya ng Heart Points –– dinisenyo base sa mga rekomendasyon mula sa World Health Organization at ng American Heart Association.
Sa Google Fit, magagawa mong:
- Magtakda ng mga layunin na nakatuon sa personal na fitness
- Subaybayan ang iyong pang-araw-araw na aktibidad at pag-usad sa pamamagitan ng Heart Points
- Kumuha ng detalyadong insight tungkol sa iyong mga pagsasanay (kapag nakakonekta sa Suunto Wear app)
- Tingnan sa isang tingin lang ang pagbibilang ng iyong hakbang at nabawas na calories
- Subaybayan ang iyong pang-araw-araw na heart rate at ang history nito
- Mag-relax at abutin ang kalinawan ng diwa (mindfulness) sa pamamagitan mga ehersisyo sa paghinga
- Tumanggap ng mga paalala, naka-customize na tip, at paggabay para manatili kang naka-udyok
- Ibahagi ang iyong impormasyon sa fitness sa ibang app at device na ginagamit mo sa pagpapanatiling maganda ang kalusugan
Para sa higit pang tulong sa Google Fit, maaaring bumisita sa:
Tulong sa Google Fit
Magsimula sa Google Fit
Naka-install nang kasama sa iyong Suunto 7 ang Google Fit. Buksan ang Google Fit app sa iyong relo at mag-sign in gamit ang iyong Google account para magsimula.
Para subaybayan ang iyong arawang pag-usad sa aktibidad sa iyong relo:
- Mag-swipe pakaliwa para makita ang iyong mga pang-araw-araw na sukatan sa Fit Tile.
- I-tap ang Fit Tile para buksan ang Google Fit app para sa higit pang detalye gaya ng heart rate sa araw-araw.
- Idagdag ang iyong mga layunin sa aktibidad o mga pang-araw-araw na sukatan, gaya ng mga hakbang o calories, sa iyong watch face para subaybayan ang iyong pag-usad.
Ikonekta ang Suunto 7 sa Google Fit
Puwede mo ring ikonekta ang Suunto 7 sa Google Fit sa iyong relo para makita kung paano nakakaapekto sa iyong mga pang-araw-araw na layunin sa aktibidad ang iyong mga ehersisyo, pagtulog, at heart rate na na-record sa Suunto Wear app.
Ikonekta ang Suunto sa Google Fit
Kunin ang Google Fit sa iyong telepono
Pumunta sa Google Play Store o sa App Store para mag-download ng Google Fit sa iyong telepono para subaybayan ang iyong kalusugan at tingnan ang iyong buwanan, lingguhan, at arawang pag-usad sa iyong mga layunin sa aktibidad.