Suunto is committed to achieving Level AA conformance for this website in conformance with the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG) 2.0 and achieving compliance with other accessibility standards. Please contact Customer Service at USA +1 855 258 0900 (toll free), if you have any issues accessing information on this website.

Suunto 7 Gabay sa User

Tapusin at suriin ang ehersisyo

Tapusin ang iyong ehersisyo.
Tingnan ang buod ng iyong ehersisyo
I-delete ang iyong ehersisyo
Tingnan ang mga detalye ng iyong ehersisyo sa Suunto mobile app
I-access ang iyong diary ng ehersisyo sa iyong relo

Tapusin ang iyong ehersisyo.

Kapag tapos ka na at handa nang tapusin ang iyong ehersisyo:

  1. Siguraduhing nasa view ng ehersisyo ka.
  2. Pindutin ang kanang button sa itaas.

suunto-wear-app-pause-button-to-end

  1. Pagkatapos, pindutin ang ibabang button para tapusin at i-save ang ehersisyo.

suunto-wear-app-paused-end-button

Tingnan ang buod ng iyong ehersisyo

suunto-wear-app-exercise-summary-top

Pagkatapos ng iyong ehersisyo, makakuha ka ng buod ng ehersisyo para makita mo ang iyong nagawa. Mag-scroll pababa para makakita ng detalyadong impormasyon tungkol sa iyong mga pagsisikap at sa intensity ng pag-eehersisyo mo gaya ng kung ano ang iyong naging average na heart rate, peak training effect (PTE), o tinatantyang tagal ng pag-recover. Kung hindi ka pamilyar sa lahat ng termino, puwede mong alamin ang higit pang impormasyon sa Glosaryo.

Para lumabas sa buod ng ehersisyo, magagawa mong:

  • Mag-swipe pakanan
  • Mag-scroll pababa at mag-tap sa Close.
PAALALA:

Nakadepende ang nilalaman ng buod sa sport mode at mga sinukat na value.

I-delete ang iyong ehersisyo

Kung ayaw mong i-save ang ehersisyong kakatapos mo lang i-record, puwede mo itong i-delete sa iyong relo bago ka lumabas sa buod.

  1. Mag-scroll hanggang sa ibaba ng buod ng ehersisyo.
  2. I-tap ang Delete.

suunto-wear-app-exercise-summary-bottom

Tingnan ang mga detalye ng iyong ehersisyo sa Suunto mobile app

suunto-combined-app-summary

Kapag nakakonekta ang iyong relo sa Suunto mobile app, awtomatikong masi-sync at mase-save ang iyong mga ehersisyo sa app sa telepono mo. Sa Suunto mobile app, magagawa mong tingnan at suriin ang iyong ehersisyo nang mas detalyado, magdagdag ng mga litrato at video, i-sync ang mga ito sa mga paborito mong serbisyo gaya ng Strava at Relive, at ibahagi ang pinakamagaganda mong sandali sa iyong mga kaibigan.

Kumonekta sa Suunto mobile app

PAALALA:

Sini-sync ng Suunto mobile app ang mga ehersisyo sa pamamagitan ng Bluetooth para puwede mong i-sync ang iyong mga ehersisyo kahit na kapag walang available na Wifi.

I-access ang iyong diary ng ehersisyo sa iyong relo

suunto-wear-app-end-exercise-diary

Para mabilisang tingnan ang mga nakaraan mong ehersisyo, buksan ang Suunto Wear app sa iyong relo at i-swipe ang menu pataas. Mag-scroll pababa at i-tap ang Diary para tingnan ang mga nakaraan mong ehersisyo, pang-araw-araw na aktibidad, o pagtulog. Puwede mo ring i-access ang iyong Diary sa pamamagitan ng pag-tap sa alinman sa mga sumusunod na Suunto Tile: Heart rate, Resources, Today, o Sleep.

PAALALA:

Tandaang i-sync (at i-save) ang iyong mga ehersisyo sa Suunto mobile app. Kung kailangan mong i-reset ang iyong relo, mawawala ang lahat ng hindi na-sync na ehersisyo sa Diary.

Table of Content