Suunto is committed to achieving Level AA conformance for this website in conformance with the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG) 2.0 and achieving compliance with other accessibility standards. Please contact Customer Service at USA +1 855 258 0900 (toll free), if you have any issues accessing information on this website.

Suunto 7 Gabay sa User

Paglalangoy gamit ang Suunto 7

Suunto 7 ay isang napakagandang kasama sa paglalangoy na may mga iniangkop na sport mode para sa mga ehersisyo sa paglalangoy sa mga pool o open water. Puwede mong isuot ang relo sa paglalangoy nang walang inaalala at puwede ka pang pumindot ng mga button – waterproof ang iyong relo hanggang sa lalim na 50 m.

Paglalangoy sa pool
Paglalangoy sa open water

PAALALA:

Para maiwasan ang hindi sinasadyang pagpindot dahil sa tubig, naka-disable ang touch screen bilang default kapag gumagamit ng mga sport mode sa paglalangoy.

Paglalangoy sa pool

suunto-wear-app-swimming-lap-table

Sa sport mode na paglalangoy sa pool, madaling sundan ang pangkalahatan mong pag-usad pati na ang iyong mga interval sa paglalangoy. Sa tuwing hihinto ka para magpahinga sa dulong bahagi ng pool, mamarkahan para sa iyo ng iyong relo ang isang interval sa paglalangoy at ipapakita ito nang real time sa lap table view.

Nakadepende ang iyong relo sa haba ng pool para malaman ang mga interval ng paglalangoy at para sukatin ang bilis mo sa paglalangoy at distansya ng nalangoy mo. Madali mong maitatakda ang haba ng pool sa mga opsyon ng ehersisyo bago mo simulan ang paglalangoy.

Matutunan kung paano itakda ang haba ng pool.

PAALALA:

Puwede mong suriin ang mga lap sa ibang pagkakataon sa iyong buod ng ehersisyo sa relo o sa Suunto mobile app sa iyong telepono.

Paglalangoy sa open water

suunto-wear-app-start-open-water-swimming

Sa open water swimming mode, puwede mong subaybayan ang bilis at distansya ng iyong paglalangoy pati na ang track mo sa mapa. Para mahanap ang pinakamagandang open water na lugar malapit sa iyo, tingnan ang heatmap para sa paglalangoy sa iyong relo o i-explore ang mga heatmap sa Suunto mobile app.

suunto-combined-app-open-water-swimming-heatmap-tall

Ang paglalangoy sa open water ay nakadepende sa GPS pagdating sa pagkakalkula ng distansya. Dahil hindi tumatagos ang GPS signal sa ilalim ng tubig, kailangang pana-panahong iahon sa tubig ang relo, gaya ng sa freestyle stroke, para makakuha ng GPS fix.

Mahirap ang mga kundisyong ito para sa GPS, kaya mahalaga na malakas ang GPS signal mo bago ka lumusong sa tubig. Para matiyak na malakas ang iyong GPS, dapat ay:

  • Ikonekta ang iyong relo sa Wifi para ma-optimize ang GPS mo sa pamamagitan ng pinakabagong satellite orbit data.

  • Maghintay ng kahit tatlong minuto lang bago ka magsimulang lumangoy pagkapili mo sa sport mode na open water na paglalangoy at kapag may nasagap nang GPS signal. Magbibigay ito ng panahon sa GPS na magkaroon ng magandang posisyon.

Table of Content