Mga tunog at pag-vibrate habang nag-eehersisyo
Haba ng pool
Power saving
Gumagamit ang Suunto Wear app ng mga tunog at vibration para abisuhan ka habang nag-eehersisyo para masubaybayan mo ang iyong pag-usad nang hindi laging tinitingnan ang screen. Halimbawa, makakarinig ka ng tunog at mararamdaman mo na nag-vibrate ang relo kapag nakakuha ka ng awtomatikong update tungkol sa lap para siguraduhing hindi mo mapapalampas ang mahahalagang istatistika.
Pindutin ang kanang button sa itaas para buksan ang Suunto Wear app.
I-swipe pataas ang menu at pumunta sa Exercise options » Tones & vibration.
I-on o i-off ang Tones.
Pindutin ang kanang button sa itaas para buksan ang Suunto Wear app.
I-swipe pataas ang menu at pumunta sa Exercise options » Tones & vibration.
I-on o i-off ang Vibration.
Nakadepende ang iyong relo sa haba ng pool para malaman ang mga interval ng paglalangoy at para sukatin ang bilis mo sa paglalangoy at distansya ng nalangoy mo. Madali mong maitatakda ang haba ng pool sa mga opsyon ng ehersisyo bago mo simulan ang paglalangoy.
Baguhin ang katumpakan ng lokasyon
Baguhin ang mga setting ng display
Kapag nagre-record ka ng isang ehersisyo, ina-update ng Suunto 7 ang impormasyon ng iyong lokasyon kada 1 segundo. Para makatipid sa baterya, puwede mong baguhin ang katumpakan ng GPS bago o habang nag-eehersisyo ka.
Ang mga opsyon sa Location accuracy ay:
Kung pipiliin mo ang sa Good Location accuracy, mas tatagal ang iyong baterya habang nagwo-workout ka sa labas. Para sa ilang sport mode gaya ng pagtakbo o pagbibisikleta, ginagamit ang FusedTrack™ para pahusayin ang kalidad ng pagsubaybay. Gumagamit ang FusedTrack™ ng mga motion sensor para i-log ang iyong galaw sa pagitan ng iba’t ibang reading ng GPS, na magpapahusay sa pagsubaybay ng iyong ehersisyo.
Paano baguhin ang Location accuracy bago ang isang ehersisyo:
Paano baguhin ang Location accuracy habang nag-eehersisyo:
Naka-save sa sport mode ang mga setting na pagtitipid ng baterya na pipiliin mo. Kapag pinili ang parehong sport mode (hal. pagtakbo) sa ikalawang pagkakataon, awtomatikong ilalapat ang nakaraang ginamit na configuration sa pagtitipid ng baterya (Location accuracy, mga setting ng display, atbp.).
Bilang default, naka-off ang mga setting ng Display habang nag-eehersisyo para makatipid ng baterya.
Laging naka-on na mapa (Always-on map)
Pamahalaan ang Always-on map habang nag-eehersisyo
Kung gumagawa ka ng isang workout kung saan kailangang palagi mong nakikita ang mapa, puwede mong piliing palaging naka-on ang ang mapa habang nag-eehersisyo.
Magandang tandaan:
Ang pagpapanatili sa screen na naka-on sa buong oras ng pag-eehersisyo ay lubhang makakabawas sa itatagal ng baterya.
Dahil isang karaniwang nangyayari sa mga OLED na display ang image persistence o screen burn-in, ang pagpapanatili sa screen na naka-on nang matagal ay nakakaapekto sa itatagal ng iyong display.
I-activate ang Always-on map para makita ang mapa sa lahat ng oras nang hindi na pinipihit ang iyong pupulsuhan o pinipindot ang power button:
Lalaki ang konsumo ng baterya kung ia-activate ang Always-on map.
Naka-save sa sport mode ang mga setting sa Power saving na pipiliin mo. Kapag pinili ang parehong sport mode (hal. pagtakbo) sa ikalawang pagkakataon, awtomatikong ilalapat ang nakaraang ginamit na configuration sa Power saving (Always-on map, Location accuracy, atbp.).