Bago ka magsimula
Magsimula ng ehersisyo
Naghihintay na magsimula
Iwasan ang mga hindi sinasadyang pagkilos dahil sa pagkakapindot sa screen at mga button habang nag-eehersisyo
May malaking epekto ang paraan mo ng pagsuot sa iyong relo sa katumpakan ng heart rate habang nag-eehersisyo ka.
Matutunan kung paano susuutin ang iyong relo para mapahusay ang mga pagsukat ng HR
Mahalaga ang katumpakan ng GPS para sa mga pagsukat na gaya ng bilis at distansya. Siguraduhing nasa labas ka sa hindi nahaharangang lugar bago ka magsimulang mag-ehersisyo para makakuha ng magandang GPS signal.
Matutunan kung paano pahuhusayin ang katumpakan ng GPS
Suunto 7 ay mainam para sa lahat ng uri ng ehersisyo, pero nag-iiba-iba ang paggamit ng baterya depende sa iyong sport at sa paraan ng pakikipag-interact mo sa iyong relo habang nag-eehersisyo ka.
Alamin kung paano mama-maximize ang buhay ng baterya habang nag-eehersisyo
Para makakuha ng pinakatumpak na data ng HR at GPS mula sa pasimula, puwede kang maghintay na maging puti ang arrow icon (lokasyon) at heart icon (heart rate) sa itaas ng start button bago ka magsimula sa iyong ehersisyo.
Kung mananatiling gray ang icon ng heart rate, subukang iusog pataas ang iyong relo mula sa iyong pupulsuhan sa layong humigit-kumulang dalawang daliri mula sa buto ng pupulsuhan. Kung mananatiling gray ang icon na arrow, lumabas sa isang bukas na lugar at maghintay ng mas malakas na GPS signal.
Kung nananatili kang nasa start view nang ilang sandali, halimbawa kapag naghihintay kang makakuha ito ng lokasyon ng GPS o naghahanda na simulan ang iyong pagtakbo, posibleng makita mong lumipat ang display sa low-power mode. Huwag mag-alala, puwede mo pa ring simulan kaagad ang pag-record mo ng iyong ehersisyo sa pamamagitan ng pagpindot sa gitnang button.
Puwedeng hindi sinasadyang makaabala sa pag-record ng iyong ehersisyo kapag nabasa ang relo mo o ang, halimbawa, gear na suot mo. Para maiwasan ang mga hindi sinasadyang pagkaka-tap sa screen at pagkakapindot sa mga button habang nag-eehersisyo, puwede mong i-lock ang mga pagkilos sa touch screen at button.
Ang mga hindi sinasadyang pagkilos gaya ng mga patak ng ulan o basang manggas ay puwede ring maging dahilan para mabilis na maubos ang iyong baterya dahil sa paulit-ulit na pag-on sa display nang hindi mo napapansin.
Kapag naka-lock ang mga pagkilos sa screen at mga button, magagawa mong:
Kapag naka-lock ang mga pagkilos sa screen at mga button, hindi mo magagawang: