Suunto is committed to achieving Level AA conformance for this website in conformance with the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG) 2.0 and achieving compliance with other accessibility standards. Please contact Customer Service at USA +1 855 258 0900 (toll free), if you have any issues accessing information on this website.

Suunto 7 Gabay sa User

Mag-ehersisyo nang may mga mapa

suunto-wear-app-exercise-with-maps

Sa Suunto Wear app, mayroon kang madaling access sa isang outdoor map at mga heatmap kapag nag-eehersisyo ka outdoor. Puwede mong makita ang iyong landas sa mapa, gumamit ng sarili mong ruta o ng ibang popular na ruta na ina-navigate, gumamit ng mga heatmap para magtuklas ng mga bagong ruta, o sundan ang iyong landas para mahanap ang iyong daan pabalik sa kung saan ka nagsimula.

Para gamitin ang mga Suunto map, kailangang nakakonekta ka sa Internet o mayroon kang mga offline na mapa na naka-download sa iyong relo.

Magsimula ng ehersisyo gamit ang mga mapa
Umalis sa mapa para tapusin ang iyong ehersisyo.
Mag-explore gamit ang mga heatmap
Tingnan ang iyong track sa mapa
Hanapin ang daan pabalik
Nabigasyon sa ruta
I-maximize ang buhay ng baterya habang nag-eehersisyo

TIP:

Sa tuwing nakakonekta ang iyong relo sa WiFi habang nagcha-charge, awtomatikong nada-download sa iyong relo ang mga mapa at heatmap. Matuto pa

Magsimula ng ehersisyo gamit ang mga mapa

  1. Pindutin ang kanang button sa itaas para buksan ang Suunto Wear app.

suunto-wear-app-open-exersice-with-maps

  1. Pumili ng sport mode para sa aktibidad outdoor gamit ang GPS gaya ng pagtakbo, pagbibisikleta, o mountaineering.

exercise-with-maps-sport-mode

  1. Para magpalit ng istilo ng mapa, mag-swipe pataas sa menu at pumunta sa Map options » Map style.

exercise-with-maps-start-map-styles

  1. Mag-browse sa listahan para maghanap ng istilo ng mapa o ng heatmap na gusto mong gamitin.
    Puwede kang mag-scroll gamit ang mga button o pumindot.
  2. Pindutin ang gitnang button o mag-tap para piliin ang bagong istilo ng mapa.
  3. Mag-swipe pakanan para lumabas sa menu at mag-scroll pataas pabalik sa start.
  4. Pindutin ang gitnang button o mag-swipe pakaliwa sa start button para simulan ang iyong ehersisyo.

exercise-with-maps-start

  1. Para sundan ang iyong pag-usad sa mapa, pindutin ang gitnang button o mag-swipe pakaliwa o pakanan hanggang sa makita mo ang map view.

suunto-wear-app-exercise-carousel-enter-map

Hindi mo ba makita ang mapa?
Mga gesture sa mapa

Umalis sa mapa para tapusin ang iyong ehersisyo.

Kapag tapos ka na at handa nang tapusin ang iyong ehersisyo:

  1. Pindutin ang gitnang button o mag-swipe pakaliwa o pakanan para umalis sa mapa.

suunto-wear-app-exercise-carousel-exit-map

  1. Habang nasa exercise view, pindutin ang kanang button sa itaas para i-pause.

suunto-wear-app-pause-button-maps

  1. Pagkatapos, pindutin ang ibabang button para tapusin at i-save ang ehersisyo.

Mag-explore gamit ang mga heatmap

suunto-wear-app-exercise-heatmap

Sa tulong ng mga heatmap ng Suunto, napapadali ang paghahanap ng mga bagong trail on the go. I-on ang heatmap at tingnan kung saan nag-ehersisyo ang ibang masusugid na user ng Suunto at i-explore ang outdoor nang mas may kumpiyansa.

Baguhin ang istilo ng mapa habang nag-eehersisyo

Tingnan ang iyong track sa mapa

suunto-wear-app-map-with-track

Kapag may ginagawa kang outdoor sports, puwede mong makita ang iyong track at subaybayan ang iyong pag-usad sa mapa nang real time. Gamitin ang mga mapa outdoor ng Suunto para piliin ang susunod na pupuntahan – tingnan kung saan papunta ang landas sa gubat o kung nasaan ang pinakamalalaking burol.

Hanapin ang daan pabalik

suunto-wear-app-map-with-start-label

Habang nag-eehersisyo, minamarkahan ng Suunto Wear app ang lugar kung saan ka nagsimula at iginuguhit ang ruta na dinaanan mo basta’t mayroon kang available na GPS – kahit hindi pa nalo-load ang mapa. Kung kailangan mo ng tulong na mahanap ang iyong daan pabalik, pumunta sa map view at mag-zoom out para makita ang iyong buong ruta at tingnan kung saan mo kailangang dumaan.

Table of Content