I-on ang display
Palitan ang mga view ng ehersisyo
Buksan ang ibang app habang nag-eehersisyo
Paggamit ng mga button at touch screen habang nag-eehersisyo
Habang nagre-record ng ehersisyo sa Suunto Wear app, ang display at mga gesture para sa pakikipag-interact sa iyong relo ay ino-optimize para sa sports at pinahabang buhay ng baterya.
Palaging nakikita ang iyong mga istatistika sa panahon ng pag-eehersisyo pero para gisingin ang display, puwede mong:
Para i-on ang display habang nag-eehersisyo kapag nasa view ng mapa, puwede mong:
Habang nasa sports sa tubig, gaya ng paglalangoy at kayaking, naka-disable ang touch screen para sa Suunto Wear app para hindi magdulot ang tubig ng mga hindi kanais-nais na pagkilos dahil sa pagkakapindot.
Kung lalabas ka sa Suunto Wear app habang nasa anumang ehersisyo (kasama ang paglalangoy), ie-enable ang touch screen.
Nakadepende sa pipiliin mong sport mode ang mga istatistikang puwede mong subaybayan. Karamihan ng mga sport mode ay may 2 hanggang 4 na iba't ibang mga view ng ehersisyo na nagpapakita sa pinakanauugnay na data ng ehersisyo para sa bawat sport. Kapag nagsasagawa ka ng sports outdoor, puwede mo ring makita ang iyong track sa mapa.
Para magpabago-bago ng mga view:
Kung kailangan mong gumamit ng isa pang app habang nag-eehersisyo, halimbawa para laktawan ang isang kanta o tingnan ang lagay ng panahon, puwede kang lumabas sa Suunto Wear app at magpatuloy sa pag-record ng ehersisyo.
Kung aalis ka sa Suunto Wear app habang nag-eehersisyo ka, tandaang puwedeng malakas na kumonsumo ng baterya ang ilang pagkilos at app, na posibleng makaapekto sa kung gaano ka katagal makakapag-record ng iyong ehersisyo.
Puwede mong pasimulan ang iyong ehersisyo at i-adjust ang relo mo habang nag-eehersisyo kahit ikaw ay nakagwantes o nakalubog sa tubig. Naka-optimize ang lahat ng feature sa sport para gumana sa pamamagitan ng mga button kapag kailangan lang.
Magpabago-bago ng view
Pindutin ang gitnang button o mag-swipe pakaliwa o pakanan para makakita ng ibang sukatan o tingnan ang mapa.
Mag-pause
Pindutin ang kanang button sa itaas. Pindutin muli para magpatuloy.
Tapusin
Pindutin ang kanang button sa itaas, pagkatapos ay pindutin ang kanang button sa ibaba.
Magmarka ng lap
Pindutin ang kanang button sa ibaba.
Mag-lock ng mga button
Pindutin nang matagal ang gitnang button.
Kontrolin ang mapa
Habang nasa map view, gamitin ang kanang button sa itaas at sa ibaba para mag-zoom in at mag-zoom out.
I-adjust ang mga opsyon sa pag-eehersisyo
Pindutin nang matagal ang kanang ibaba na button o mag-swipe pataas mula sa ibaba ng screen para buksan ang menu.
Baguhin ang istilo ng mapa
Pindutin nang matagal ang kanang ibaba na button o mag-swipe pataas mula sa ibaba ng screen para buksan ang menu.