Ang Suunto mobile app sa iyong telepono
Para sa buong karanasan sa sports sa Suunto 7, kailangan mo ng Suunto mobile app – sa iyong telepono.
Sa Suunto app sa iyong telepono, magagawa mong:
- Mag-sync at mag-save ng iyong mga ehersisyo mula sa iyong relo
- Kumuha ng detalyadong insight tungkol sa iyong mga pagsasanay
- Subaybayan ang mga trend at history ng iyong aktibidad sa araw-araw
- Subaybayan ang mga trend at history ng iyong ehersisyo
- Tingnan ang mga track ng iyong ehersisyo outdoor sa mapa
- Mag-explore ng mga heatmap para makita kung saan nag-eehersisyo ang iba
- Gumawa ng sarili mong ruta o gumamit ng ibang sikat na ruta at i-sync ang mga iyon sa iyong relo
- Ibahagi ang pinakamagaganda mong sandali sa iyong mga kaibigan
- Kumonekta sa ibang serbisyo sa sports gaya ng Strava at Relive
Magsimula
Kumonekta sa mga paborito mong serbisyo sa sports
Paggamit ng maraming relo sa Suunto mobile app
Magsimula
Gumagana ang Suunto mobile app sa mga mobile device na nagpapagana ng Android 6.0 at Bluetooth 4.0 o mas bago at iOS 11.0 o mas bago. Puwedeng mag-iba ang mga sinusuportahang feature depende sa mga relo, telepono, at bansa.
Bago sa Suunto
- Kung hindi mo pa nagagawa, ipares ang iyong relo sa Wear OS by Google app sa iyong telepono.
Matuto pa - I-download at i-install ang Suunto app mula sa Google Play Store o App Store.
- Siguraduhing naka-enable ang Bluetooth sa iyong relo at sa iyong telepono.
- Buksan ang Suunto app sa iyong telepono.
- Mag-sign up gamit ang gusto mong paraan.
- Sundan ang mga tagubilin sa screen.
- Pagka-sign up, ididirekta ka sa watch view.
- Kapag nakita mo na ang iyong relo, mag-tap sa “Connect”.
- Kapag nakakonekta na ang iyong relo, sundan ang mabilisang introduksyon para matutunan ang basics tungkol sa iyong relo.
Dati ka na bang Suunto app user
- Kung hindi mo pa nagagawa, ipares ang iyong relo sa Wear OS by Google app sa iyong telepono.
Matuto pa - Siguraduhing naka-enable ang Bluetooth sa iyong relo at sa iyong telepono.
- Buksan ang Suunto app sa iyong telepono.
- Kung hindi ka awtomatikong ididirekta sa watch view, i-tap ang icon na relo sa itaas sa kaliwang sulok.
- Kapag nakita mo na ang bago mong relo sa screen, mag-tap sa “Connect”.
- Kung may isa ka pang Suunto device na nakakonekta na sa Suunto app, i-unpair muna ang iyong lumang device, at saka magpatuloy sa pagkonekta Suunto 7 gamit ang app.
- Kapag nakakonekta na ang iyong relo, sundan ang mabilisang introduksyon para matutunan ang basics tungkol sa iyong relo.
Kumonekta sa mga paborito mong serbisyo sa sports
Sa Suunto app, puwede kang kumonekta sa at i-sync ang iyong mga aktibidad sa mga paborito mong serbisyo sa sports gaya ng Strava at Relive.
- Buksan ang Suunto app sa iyong telepono.
- I-tap ang “Profile” tab.
- I-tap ang “Connect to other services” at piliin kung sa aling mga serbisyo mo gustong kumonekta at sundan ang mga instruksyon sa screen.
- Para sa buong listahan ng mga partner ng Suunto, pumunta sa suunto.com/partners
Paggamit ng maraming relo sa Suunto mobile app
Iisang device lang ang puwede mong ikonekta sa Suunto app sa bawat pagkakataon. Kapag naipares mo na ang iyong relo sa Wear OS by Google app sa iyong telepono, i-unpair ang ibang device mula sa Suunto mobile app, at saka ikonekta ang Suunto 7 sa app.