Ikonekta ang iyong headphones sa telepono mo at kontrolin ang musika at iba pang audio – i-adjust ang volume, mag-pause, at lumaktaw ng mga kanta – nang direkta mula sa iyong pupulsuhan nang hindi inilalabas ang telepono mo mula sa iyong bulsa.
Mga awtomatikong media control
Mga shortcut na button sa mga media control
Mag-download ng app para sa iyong musika
Mag-ehersisyo nang may musika
Awtomatikong lalabas ang mga media control sa iyong relo kapag nagsimula kang mag-play ng musika o iba pang audio mula sa iyong telepono.
Para lumabas sa mga media control, mag-swipe pakanan o pindutin ang Power button.
Para bumalik sa mga media control habang nasa watch face, mag-swipe pababa mula sa itaas ng screen o gumamit ng shortcut na button (pindutin ang gitnang button).
Kung hindi mo makitang awtomatikong mag-on ang mga media control sa iyong relo kapag nagsimula kang mag-play ng musika mula sa iyong relo:
Bilang default, ang Suunto 7 ay may isang shortcut na button sa mga media control para sa mas madaling pag-access sa iyong musika at ibang audio – pati na rin habang nag-eehersisyo.
Matuto pa tungkol sa mga shortcut na button
Ang ilang serbisyo sa musika gaya ng Spotify at Pandora ay nag-aalok ng app para sa pagkontrol sa iyong musika gamit ang relo. Gamit ang app ng musika, magagawa mong tingnan ang kamakailan mong na-play na mga kanta o i-save ang iyong mga paboritong kanta sa relo mo, bilang halimbawa. Puwede maghanap at mag-download ng mga app sa Google Play Store sa iyong relo.