Suunto is committed to achieving Level AA conformance for this website in conformance with the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG) 2.0 and achieving compliance with other accessibility standards. Please contact Customer Service at USA +1 855 258 0900 (toll free), if you have any issues accessing information on this website.

Suunto 7 Gabay sa User

I-set up at ipares ang iyong Suunto 7

Bago ka magsimula, siguraduhin mong mayroon kang:

  • Humigit-kumulang 30 minuto (at siguro isang kape o tsaa)
  • Compatible na telepono
  • Koneksyon sa Wifi
  • Naka-enable na Bluetooth sa iyong telepono.
  • Google™ account (inirerekomenda)

1. I-charge at i-on
2. Mag-download at magpares sa Wear OS by Google
3. Sundan ang tutorial ng Wear OS sa relo
4. Simulan ang iyong sports sa pamamagitan ng Suunto
5. Kumuha ng Suunto mobile app sa iyong telepono

1. I-charge at i-on

charge-and-power-on

  1. Ikonekta ang iyong relo sa USB cable sa kahon para i-on ang iyong relo. Huwag mabahala, puwedeng abutin nang ilang minuto bago mag-on ang iyong relo.
  2. Mag-tap sa screen para magsimula.
  3. Piliin ang iyong wika. Mag-swipe pataas para i-browse ang listahan at mag-tap para pumili.
  4. Tanggapin ang Suunto’s End User License Agreement.
  5. Sundin ang mga tagubilin sa screen para maipagpatuloy ang pag-set up sa iyong telepono.
PAALALA:

Kung kailangan mong bumalik sa nakaraang hakbang, mag-swipe pakanan.

Paano i-charge ang iyong relo

2. Mag-download at magpares sa Wear OS by Google

wear-os-companion-app-combined

Kinokonekta ng companion app ng Wear OS by Google ang iyong Suunto 7 sa telepono mo para makagamit ka ng mga smart na feature gaya ng mga notification, Google Pay™, at marami pang iba.

Suunto 7 puwedeng ipares sa Android at sa iOS.

get-it-on-google-playdownload-on-the-app-store

  1. Sa telepono mo, i-download ang companion app ng Wear OS by Google sa Google Play™ o App Store.
  2. I-enable ang Bluetooth sa iyong telepono at siguraduhing may karga ang iyong telepono.
  3. Buksan ang Wear OS by Google app at i-tap ang Start setup.
  4. Sa iyong telepono, sundan ang mga tagubilin sa screen hanggang sa mahanap mo ang iyong Suunto 7.
    (Makikita mo ang pangalan ng iyong relo sa screen ng relo mo. Kung hindi mo ito makita, mag-swipe pataas.) swipe-up-watch-name
  5. Sa iyong telepono, i-tap kapag nakita mo ang iyong relo.
  6. May isang code na ipapakita sa iyong telepono at relo.
    1. Kung pareho ang mga code: Sa telepono, i-tap ang Pair. Maaari itong tumagal nang ilang minuto.
    2. Kung hindi tugma ang mga code: I-restart ang iyong relo at subukang muli.
  7. Sundan ang mga tagubilin sa screen para magpatuloy.

  8. Kopyahin (Ikonekta) ang iyong Google account
    Gagabayan ka sa pagkopya ng iyong Google account sa iyong relo. Inirerekomenda naming kopyahin ang iyong Google account, dahil magbibigay-daan ito sa iyo na makagamit ng mga smart na feature sa iyong relo, at para ma-access ang Google Play Store mula sa iyong relo para mag-download ng mga app at makakuha ng mga update. Karagdagan pa, makikita mo ang data ng iyong aktibidad, kasama ang mga hakbang sa araw-araw at pagsubaybay sa heart rate mula sa Google Fit. Maaari ring tingnan ang data ng pang-araw-araw na aktibidad sa Suunto app sa iyong mobile phone.

    Gumawa ng Google account
    Matuto pa tungkol sa paggamit ng mga Google account sa iyong relo

  9. Payagan ang mga serbisyo sa lokasyon, mga notification, at access sa kalendaryo para makumpleto ang proseso. Maaari mong i-adjust ang mga ito sa ibang pagkakataon sa mga setting ng device o sa Wear OS by Google app sa iyong telepono.

  10. Kapag tapos ka na, handa ka nang magsimula sa bago mong relo.

wear-os-companion-app-home

Para sa karagdagang tulong sa Wear OS by Google, mangyaring bisitahin ang:
Wear OS by Google Help

3. Sundan ang tutorial ng Wear OS sa relo

wear-os-tutorial

Pagkatapos ng inisyal na set-up, sundan ang tutorial sa iyong relo para malaman ang higit pa tungkol sa Wear OS by Google at paano i-navigate ang iyong Suunto 7.

Matuto pa kung paano i-navigate ng iyong relo

PAALALA:

Kapag nakaranas ka ng anumang pagbagal pagkatapos na pagkatapos mong gamitin ang relo, huwag kang mag-alala. Nagda-download ang iyong relo ng mga available na update sa background para makapagbigay sa iyo ng mga pinakabago at pinakamagagandang software sa simula pa lang. Kapag nakumpleto na ang mga update, mawawala na ang pagiging mabagal.

4. Simulan ang iyong sports sa pamamagitan ng Suunto

suunto-start-your-sports

Ang Suunto Wear app ay ang lugar ng mga sports sa iyong Suunto 7. Sinusubaybayan nito ang lahat ng iyong mga pang-araw-araw na aktibidad (mga hakbang at calorie), sports, at adventure sa pamamagitan ng tumpak na real-time na data at mga libreng offline na mapa at heatmap.

Para magsimula, pindutin ang button sa kanang bahagi sa itaas para buksan ang Suunto Wear app sa iyong relo. Sundan ang mga tagubilin sa screen para mai-set up ang iyong profile para sa tumpak at naka-personalize na pagsubaybay sa aktibidad at ehersisyo. Kapag handa ka na, mag-tap para i-download ang Suunto app sa iyong telepono.

Magsimula sa Suunto Wear app

5. Kumuha ng Suunto mobile app sa iyong telepono

get-suunto-mobile-app

Ang Suunto mobile app sa iyong telepono ay isang mahalagang bahagi ng karanasan sa sports gamit ang bago mong relo. Gamit ang Suunto app, mag-sync at mag-save ng iyong mga ehersisyo mula sa relo mo papunta sa iyong sports diary, kumuha ng mga detalyadong insight tungkol sa iyong training, pagtulog, at mga pang-araw-araw na aktibidad, magbahagi sa mga kaibigan mo ng mga pinakamagaganda mong sandali, kumonekta sa iyong mga paboritong serbisyo sa sport gaya ng Strava o Relive, at marami pang iba.

Mag-download ng Suunto mobile app sa iyong telepono. Kapag na-install mo na ito, buksan ang app at kumonekta sa iyong relo sa app. Sundin ang mga tagubilin sa screen para makapagsimula.

get-it-on-google-playdownload-on-the-app-store

Magsimula sa Suunto mobile app

Table of Content