Madali at mabilis lang ang mag-charge ng Suunto 7. Ikonekta ang ibinigay na USB cable sa USB port ng iyong computer o sa isang USB power adapter at power outlet. Ilagay ang dulong may magnet ng USB cable sa charging socket sa likod ng iyong relo.
Kapag nagcha-charge ang iyong relo, makikita mo ang ganitong simbolo sa iyong watch face.
Kung lubusang nadiskarga ang baterya, dapat mag-charge gamit ang isang USB power adapter at power outlet.
Puwedeng marumihan ang iyong relo – at ang charging socket – habang ginagamit mo ito, lalo na kapag nag-eehesisyo ka. Para masigurong nagcha-charge nang maayos ang iyong relo, pana-panahong hugasan ang katawan ng relo para maalis ang pawis o anumang lotion na puwedeng mayroon ka sa iyong balat. Gumamit ng maligamgam na tubig at hindi matapang na sabong pangkamay na panghugas sa relo, banlawang mabuti ng tubig at punasan ng twalya ang device para patuyuin.
Tagal ng pag-charge
Tingnan ang iyong baterya
Kumuha ng mga awtomatikong pag-update at pag-download ng mga offline na mapa habang nagcha-charge
Aabutin ng mga 100 minuto para mag-charge ng Suunto 7 mula 0 hanggang 100% gamit ang kasamang charging cable.
Habang nasa watch face, mag-swipe pababa mula sa itaas ng screen para makita ang natitirang baterya.
I-maximize ang buhay ng baterya ng iyong relo
Kung nakakonekta ka sa Wifi habang nagcha-charge, puwede mong panatilihing updated ang iyong relo at mga app at awtomatikong i-download ang mga lokal na Suunto map sa iyong relo. Sa mga offline na mapa, puwede mo nang iwan ang iyong telepono, lumabas at gamitin ang Suunto Wear app sa pamamagitan ng mga mapa nang hindi na kinakailangan ang koneksyon sa Internet.
Pamahalaan ang mga awtomatikong pag-update ng app
Matuto pa tungkol sa mga offline na mapa