Suunto is committed to achieving Level AA conformance for this website in conformance with the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG) 2.0 and achieving compliance with other accessibility standards. Please contact Customer Service at USA +1 855 258 0900 (toll free), if you have any issues accessing information on this website.

Suunto 7 Gabay sa User

Alamin kung paano mag-navigate sa iyong Suunto 7

Puwede kang mag-navigate at makipag-interact sa iyong Suunto 7 gamit ang touch screen at mga hardware na button.

Mga basic na gesture sa touch screen

Pag-swipe
Igalaw ang iyong daliri pataas, pababa, pakaliwa, o pakanan sa screen.

Tap
Pindutin ang screen gamit ang isang daliri.

Pag-tap nang matagal
Idiin nang matagal ang iyong daliri sa screen.

I-drag
Igalaw ang iyong daliri mula sa isang gilid papunta sa kabilang gilid ng screen nang hindi iniaangat ang iyong daliri.

I-explore ang iyong relo

Kilalanin ang iyong Suunto 7 at alamin kung nasaan ang iba’t ibang feature at functionality.

wear-os-suunto-buttons-explained

Pindutin ang kaliwang button sa itaas (ang Power button) para i-on ang relo at i-access ang iyong mga app sa pamamagitan ng Wear OS by Google.

  • Pindutin ang Power button para buksan ang listahan mo ng mga app.
  • Pindutin ulit ang Power button para bumalik sa watch face.
  • Pindutin nang matagal ang Power button sa loob ng 4 na segundo para I-off / I-restart ang iyong relo.

Pindutin ang kanang button sa itaas para buksan ang Suunto Wear app

Para bumalik sa watch face, mag-swipe patataas o pindutin ang Power button.

shortcut-buttons-explained

Gamitin ang gitna at ibabang button sa kanan bilang mga shortcut

Buksan ang mga media control, pindutin ang kanang button sa gitna.
Para gumamit ng stopwatch, pindutin ang kanang button sa ibaba.

Para bumalik sa watch face, mag-swipe patataas o pindutin ang Power button.

Matuto pa tungkol sa mga shortcut na button

swipe-down-quick-shade

Mag-swipe pababa para makakuha ng mabilisang access sa mga madalas gamiting feature at shortcut

  • Tingnan ang status ng baterya
  • Tingnan ang iyong connectivity
  • Magbayad in-store gamit ang Google Pay*
  • I-off ang screen
  • I-on/i-off ang Do not disturb
  • I-on/i-off ang Airplane mode
  • I-on ang Battery Saver
  • Hanapin ang aking telepono
  • I-on/i-off ang flashlight
  • Pumunta sa menu ng mga pangunahing setting

Para bumalik sa watch face, mag-swipe pataas o pindutin ang Power button.

* Ang Google Pay ay nakikita at available sa relo sa mga piling bansa.
Tingnan ang mga sinusuportahang bansa at matuto pa tungkol sa Google Pay.

PAALALA:

Posibleng iba ang hitsura ng ilang icon depende sa iyong telepono.

swipe-up-notification-stream

Tingnan at pamahalaan ang iyong mga notification

Para bumalik sa watch face, mag-swipe pababa o pindutin ang Power button.
Makatanggap ng mga notification sa iyong relo

swipe-left-tiles

Mag-swipe pakaliwa para sa mabilisang sulyap sa iyong mga Tile

Para bumalik sa watch face, mag-swipe patataas o pindutin ang Power button.
Tingnan at pamahalaan ang iyong mga Tile

swipe-right-exit

Mag-swipe pakanan para lumabas sa mga setting ng relo o sa mga app

Puwede mo ring pindutin ang Power button para bumalik sa watch face mula sa anumang view o app.

Table of Content