Suunto is committed to achieving Level AA conformance for this website in conformance with the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG) 2.0 and achieving compliance with other accessibility standards. Please contact Customer Service at USA +1 855 258 0900 (toll free), if you have any issues accessing information on this website.

Suunto 7 Gabay sa User

Mag-customize ng mga watch face

Suunto 7 may kasamang isang hanay ng mga na-preinstall nang watch face na mapagpipilian. Puwede ka ring mag-download ng marami pang iba sa Google Play Store.

Ang lahat ng watch face na idinisenyo ng Suunto ay na-optimize para gumamit ng minimum na power sa pagbibigay sa iyo ng pinakamagandang karanasang posible sa iyong relo araw-araw.

Mga watch face ng Suunto
Baguhin ang iyong watch face
Magdagdag ng mga function (o ‘mga complication’) sa iyong watch face
Magdagdag ng bagong watch face
Magtago ng watch face
Mag-delete ng watch face na nakita mo sa Play Store

Mga watch face ng Suunto

Suunto 7 ay may apat na watch face mula sa Suunto – Heatmap, Original, Marine, at Rose – para ipagdiwang ang kasaysayan ng Suunto at ang komunidad ng masisigasig na atleta at adbenturero sa buong mundo.

Heatmap

suunto-watchface-heatmap

Para bigyan ka ng inspirasyon na i-explore ang outdoor sa paligid mo, ipinapakita ng Heatmap watch face kung saan sa inyong lugar nag-ehersisyo ang ibang masisigasig na atleta ng Suunto.

Bilang default, ipapakita ng heatmap ang mga sikat na ruta sa pagtakbo sa iyong lugar. Kung hindi ka interesado sa pagtakbo, puwede kang pumunta sa mga setting ng watch face at pumili ng ibang sport para sa iyong heatmap. Suunto 7 may 15 magkakaibang heatmap na mapagpipilian.

Awtomatikong naa-update ang iyong heatmap sa iyong watch face batay sa iyong lokasyon. Kung wala kang makikitang heatmap o kung hindi nag-a-update ang mapa batay sa iyong lokasyon, tingnan ang mga ito:

  • Sa iyong relo, payagan ang pagbabahagi ng lokasyon para sa Wear OS by Google.
  • Sa iyong relo, payagan ang pagbabahagi ng lokasyon sa mga setting ng Connectivity at sa mga watch face ng Suunto.
  • Siguraduhing nakakonekta ang iyong relo sa Internet.
  • Mahigit 2 kilometro (1.25 milya) na ang distansya mo mula sa nakaraan mong lokasyon.
  • Sumubok ng ibang heatmap – posibleng wala pang heat para sa sport na napili mo.

Original

suunto-watchface-original

Noong 1936, itinatag ni Tuomas Vohlonen ang Suunto para maramihang gumawa ng mga maaasahan at tumpak na compass matapos niyang matagal na maabala ng pagiging hindi tumpak at maaasahan ng paggana ng karayom ng mga tradisyunal na dry compass. Mula noon, nakapagbigay na ng mahahalagang tool ang mga Suunto compass at nakakonektang pamamaraan ng Suunto sa pag-navigate para sa mga mahihilig sa aktibidad outdoor, atleta, at propesyonal. Ang disenyo ng Original watch face ay hango sa kauna-unahang Suunto marching compass, ang M-311.

Marine

suunto-watchface-marine

Mula 1953 hanggang 2011, nasa market ng marine compass ang Suunto. Ang Marine watch face ay kinuha sa popular na Suunto K-14 marine compass bilang inspirasyon, na naging isang pamantayan para sa maraming sail at power boat sa buong mundo dahil sa maaasahan at madaling mabasang compass card at mahusay na pagkakabit sa sasakyang pandagat.

Rose

suunto-watchface-rose

Ang Rose watch face ay binatay sa Suunto pocket TK-3 compass bilang inspirasyon, na kinuha naman sa mga lumang marine compass na may mga compass rose ang inspirasyon. Ang TK-3 compass ay isang pagpupugay sa mga pagsisikap ng mga manggagalugad na nagpuno sa mga blangkong pahina ng atlas ng mundo gamit ang isang compass, na gumamit ng mga bituin at lubid bilang pangunahing paraan ng paghahanap ng posisyon.

Baguhin ang iyong watch face

Puwede mong baguhin ang iyong mga watch face anumang oras para tumugma ang mga ito sa mga layunin, pangangailangan, at istilo mo.

wear-os-watchface-list

  1. Habang nasa watch face, pindutin nang matagal ang gitna ng screen para makakita ng listahan ng mga watch face.
  2. Mag-swipe pakaliwa o pakanan para mag-browse ng mga watch face.
  3. Mag-tap para pumili ng watch face na gusto mong gamitin.
PAALALA:

Puwede ka ring pumunta sa Settings » Display » Change watch face o baguhin ang iyong watch face sa Wear OS by Google app sa iyong telepono.

Magdagdag ng mga function (o ‘mga complication’) sa iyong watch face

Sa halos lahat ng watch face, puwede kang magdagdag ng function sa iyong relo, gaya ng mga shortcut papunta sa mga app, impormasyon ng panahon, o mga hakbang sa araw-araw. Puwedeng iba-iba ang hanay ng mga complication na available sa iba't ibang watch face.

  1. Habang nasa watch face, pindutin nang matagal ang gitna ng screen para makakita ng listahan ng mga watch face.
  2. I-tap ang Settings sa ibaba ng watch face.

wear-os-watchface-settings

  1. I-tap ang ‘complication’ sa watch face na gusto mong baguhin.

wear-os-watchface-complications

  1. Mag-browse sa listahan at mag-tap para piliin kung aling complication ang gusto mong makita sa iyong watch face. (Para magdagdag ng shortcut, i-tap ang General » App shortcut.)

Magdagdag ng bagong watch face

Ang lahat ng watch face na idinisenyo ng Suunto ay na-optimize para gumamit ng minimum na power sa pagbibigay sa iyo ng pinakamagandang karanasang posible sa araw-araw. Kapag nagdagdag ka ng bagong watch face mula sa Google Play Store, tandaang posibleng hindi na-optimize ang ibang watch face sa parehong paraan.

  1. Habang nasa watch face, pindutin nang matagal ang gitna ng screen para makakita ng listahan ng mga watch face.
  2. Mag-swipe pakaliwa at i-tap ang opsyong magdagdag ng higit pang watch face.
  3. Mag-scroll pababa at mag-tap sa Get more watch faces. (Kung kinakailangan, sundin ang gabay para makakonekta sa Wifi at makapagdagdag ng Google account.)

Magtago ng watch face

  1. Habang nasa watch face, pindutin nang matagal ang gitna ng screen para makakita ng listahan ng mga watch face.
  2. Mag-swipe pataas sa watch face na gusto mong itago.
PAALALA:

Kapag nakatago ang isang watch face, makikita mo ito sa Wear OS by Google app sa iyong telepono, pero hindi mo ito makikita sa iyong relo.

Mag-delete ng watch face na nakita mo sa Play Store

  1. Para buksan ang iyong listahan ng mga app, pindutin ang Power button.
  2. I-tap ang Play Store app PlayStore icon Wear OS.
    (Kung kinakailangan, sundin ang mga tagubilin para makakonekta sa Wifi at makapagdagdag ng Google account.)
  3. Mag-scroll pababa at mag-tap sa My appsMyApps icon Wear OS.
  4. Mag-scroll pababa sa watch face na gusto mong alisin at piliin ang Uninstall .
PAALALA:

Puwede mo ring pamahalaan ang iyong mga watch face sa Wear OS by Google app sa iyong telepono. Sa ilalim ng larawan ng iyong relo, sa taabi ng mga watch face, i-tap ang More.

Table of Content