Suunto 7 ay gumagamit ng teknolohiyang wrist heart rate (WHR), na kilala ring optical heart rate, na nagsusukat ng heart rate sa pamamagitan ng mga LED para subaybayan ang pagdaloy ng dugo sa iyong pupulsuhan. Ang ibig sabihin nito, makikita mo ang iyong data ng tibok ng puso habang nag-eehersisyo ka o sa pang-araw-araw na paggamit nang walang heart rate strap sa dibdib.
Mga salik na nakakaapekto sa mga pagsukat ng wrist heart rate
Paano isuot ang iyong relo para mapahusay ang mga pagsukat ng HR
Heart rate habang nag-eehersisyo
Pang-araw-araw na heart rate
Hindi sinusuportahan ng Suunto Wear app ang paggamit ng isang external na heart rate belt.
Ang katumpakan ng pagsukat ng optical HR ay naiimpluwensyahan ng ilang salik at na puwede itong mag-iba-iba depende sa tao. Ang isa sa mga salik na may malaking epekto ay ang pagsusuot mo sa iyong relo. Puwedeng maging mas tumpak ang mga reading ng iyong heart rate kapag tama ang higpit. Magsimula sa mga sumusunod na tip, pagkatapos ay subukan at baguhin ang pagkakasuot ng iyong relo hanggang sa mahanap mo ang personal na optimal spot mo.
Sa pang-araw-araw na paggamit
Isuot ang iyong relong Suunto kahit man lang 1 daliri ang taas mula sa buto ng iyong pupulsuhan at siguraduhin na tama ang higpit ng iyong relo. Dapat ay laging nakadikit ang iyong relo sa balat mo nang sa gayon ay hindi mo makita ang liwanag mula sa sensor.
Habang nag-eehersisyo
Subukan ang higpit – tiyaking nasa pinakamataas na bahagi ng iyong pupulsuhan ang relo, at na hindi ito bababa habang nag-eehersisyo ka. Ang magandang palatandaan ay ang isuot ito nang mga 2 daliring lapad ang taas mula sa buto ng iyong pupulsuhan. Muli, siguraduhing isusuot mo ang relo nang may tamang higpit at nakadikit sa balat, pero hindi sa paraang nakakapigil na ito sa pagdaloy ng dugo.
Napakaluwag
Tama lang
Puwedeng hindi maging tumpak ang feature na optical heart rate para sa bawat user sa bawat aktibidad. Puwede ring maapektuhan ng natatanging anatomiya at kulay ng balat ng isang indibidwal ang kanyang optical heart rate. Puwedeng mas mataas o mas mababa ang aktwal na heart rate mo kaysa sa reading ng optical sensor.
Para lang sa paglilibang; hindi para sa medikal na paggamit ang feature na optical heart rate.
Ugaliing kumonsulta sa doktor bago magsimula ng programa sa pagsasanay. Puwedeng magdulot ng matinding pinsala ang labis na pagpapagod.
Puwedeng magkaroon ng allergic na reaksyon o iritasyon sa balat kapag nakalapat ang mga produkto sa balat, kahit na sumusunod ang aming mga produkto sa mga pamantayan ng industriya. Kapag nangyari ito, ihinto kaagad ang paggamit nito at kumonsulta sa doktor.