Suunto is committed to achieving Level AA conformance for this website in conformance with the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG) 2.0 and achieving compliance with other accessibility standards. Please contact Customer Service at USA +1 855 258 0900 (toll free), if you have any issues accessing information on this website.

Suunto 7 Gabay sa User

Glosaryo

EPOC
Excess Post-exercise Oxygen Consumption (EPOC)

Kung gusto mong malaman ang tungkol sa intensity, isipin ang EPOC! Kung mas mataas ang iyong EPOC number, mas mataas ang intensity ng iyong workout - at mas mataas ang enerhiyang gagamitin mo sa pag-recover sa iyong (ipinagpapalagay na epic na) ehersisyo.

Beidou
Ang Beidou ay isang Chinese satellite navigation system.

Ang FusedAlti™
FusedAlti™ ay nagbibigay ng sukat ng altitude na kumbinasyon ng GPS at barometric altitude. Pinapababa nito ang epekto ng mga pansamantala at offset na mali sa huling reading ng altitude.

FusedTrack™
Pinagsasama ng FusedTrack™ technology ang datos ng galaw at ang datos ng GPS para siguraduhin ang mas tumpak na pagsubaybay.

Glonass
Ang Global Navigation Satellite System (GLONASS) ay isang alternatibo sa GPS bilang positioning system.

GPS
Ang Global Positioning System (GPS) ay nagbibigay ng lokasyon at impormasyon sa oras sa lahat ng lagay ng panahon sa pamamagitan ng mga satellite na umiikot sa Lupa.

Mga popular na punto ng pagsisimula
Ang mga popular na punto ng pagsisimula ay kinukuha mula sa mga pag-eehersisyo ng komunidad ng Suunto at na nakikita bilang maliliit na tuldok sa mga heatmap para sa Suunto Wear app at Suunto app.

PTE
Peak Training Effect (PTE)

Tingnan ang PTE kapag gusto mong malaman kung gaano kalaki ang epekto ng iyong ehersisyo sa pangkalahatan mong aerobic fitness. Ang pagtingin sa PTE scale ay ang pinakamadaling paraan para maunawaan kung bakit ito kapaki-pakinabang: 1-2: Pinapahusay nito ang basic na endurance, na bumubuo ng magandang pundasyon para sa pag-usad 3-4: Tiyak na huhusay ang aerobic fitness kung gagawin ito nang 1-2 beses sa isang linggo 5: Talagang pinapagod mo ang sarili mo at hindi mo dapat ito ginagawa palagi.

Oras ng pag-recover
Ang oras ng pag-recover ay kasingkahulugan ng tawag dito: nagbibigay ito ng pagtatantya sa kung gaano katagal ang kailangan mo para maka-recover mula sa iyong pag-eehersisyo batay sa mga istatistikang gaya ng tagal at tindi (intensity). Ang pag bawi ay isang mahalagang elemento sa iyong pagsasanay at pangkalahatang kagalingan. Kasinghalaga ng iyong mga aktibidad ang pagpapahinga kung kinakailangan, at makakatulong ito sa iyong paghanda para sa mga darating pang adventure.

Suunto Wear app
Isang built-in na app sa iyong Suunto 7 para sa pagsubaybay ng iyong sports at mga adventure sa pamamagitan ng tumpak na real-time na data at mga libreng offline na mapa at heatmap.

Suunto app
Isang mobile companion app para mag-sync at mag-save ng iyong mga ehersisyo mula sa relo mo papunta sa iyong sports diary sa iyong telepono.

SWOLF
Ang SWOLF ay isang simpleng paraan ng pagsasabi “kung gaano ka ka sanay lumangoy.” Sa simpleng salita, sinusukat nito kung ilang kampay ng mga kamay ang kailangan mo para malangoy ang isang partikular na distansya kapag naglalangoy ka. Kaya naman, kung mas mababa ang SWOLF number, mas mabisa ang paraan ng paglalangoy.

Wear OS by Google
Isang mobile companion app na kumokonekta sa iyong Suunto 7 sa telepono mo para makagamit ka ng mga smart na feature gaya ng mga notification, Google Pay, at marami pang iba.

Table of Content