Ang mga feature, app, at watch face na ginagamit mo, at ang paraan ng paggamit mo sa mga ito ay nakakaapekto sa buhay ng iyong baterya. Bukod pa rito, kung mas madalas kang makikipag-interact sa iyong relo – titingin at magso-scroll sa iyong mga notification, magba-browse ng mga mapa, at gagamit ng mga feature na nangangailangan ng koneksyon sa Internet – mas lalakas ang pagkonsumo ng baterya.
Para ma-maximize ang buhay ng baterya ng iyong relo sa araw-araw na paggamit, subukan ang mga solusyon sa ibaba.
Na-optimize ang baterya sa lahat ng watch face ng Suunto para magpakita ng oras sa low-power mode nang hindi ino-on ang display at ina-activate ang relo mo. Tandaang posibleng hindi na-optimize ang ibang watch face sa parehong paraan.
Kung may idinagdag kang bagong watch face kamakailan at napansin mong mas mabilis nang maubos ang iyong baterya, subukang i-uninstall ang watch face na iyon.
Baguhin ang iyong watch face
Mag-delete ng watch face
Bilang default, ang display at mga gesture sa pag-interact sa iyong Suunto 7 ay naka-set up para gumamit ng kaunting baterya sa pang-araw-araw gamit. Para sa pinakamagandang karanasan, gumamit ng mga default na setting sa mga watch face ng Suunto na naka-optimize ang paggamit ng baterya.
Kailangan mong gumamit ng watch face na na-optimize ang baterya para magamit ang Power saver tilt.
Hayaang Tilt-to-wake naka-off
Kung io-on mo ang Tilt-to-wake, mao-on ang display at maa-activate ang iyong relo sa tuwing ipipihit mo ang iyong pupulsuhan. Para sa mas matagal na baterya, pindutin ang Power button o pumindot sa screen para i-on ang display.
I-adjust ang mga setting ng display
Hayaang naka-off ang Always-on screen
Hayaang naka-off ang screen kapag hindi mo ginagamit ang iyong relo para makatipid ng baterya.
I-adjust ang mga setting ng display
Kapag mahina na ang iyong baterya o kapag, halimbawa, nasa biyahe ka, puwede mong i-on ang Battery Saver para mas matagal mong magamit ang iyong relo. Kapag naka-on ang Battery Saver, gumagana ang Suunto 7 mo na gaya ng isang tradisyonal na relo – puwede mong tingnan ang oras at petsa, at tingnan ang pagtatanya ng natitirang oras ng baterya.
Kung io-on mo ang Battery Saver nang may punong baterya, puwede mong gamitin ang Suunto 7 bilang isang tradisyonal na relo sa loob ng hanggang 40 araw.
Battery Saver ay awtomatikong nao-on kapag napakahina na ng baterya.
Kapag naka-on ang Battery Saver, tingnan ang oras sa pamamagitan ng pagpindot sa Power button.
Kung io-off ang mga hindi gaanong mahalagang notification, mababawasan ang mga hindi kinakailangang pakikipag-interact sa iyong relo – mananatili kang focused at makakatipid ka ng baterya.
Piliin kung aling mga notification ang ipapakita sa iyong relo
Kung may na-install kang app kamakailan at napansin mong mas mabilis nang maubos ang iyong baterya, subukang i-uninstall ang app na iyon. Puwede mo ring alisin ang mga app na hindi mo ginagamit para maiwasan ang mga hindi inaasahang pagkonekta sa Internet.
Kapag naka-on ang iyong relo, kahit kapag naka-off ang screen, naghahanap pa rin ito ng at nagpapanatili ng mga koneksyon sa data. Kung hindi mo kailangang nakakonekta, puwede kang makatipid ng baterya sa pamamagitan ng pag-off sa koneksyon sa iyong telepono at Internet gamit ang Airplane mode.
Pagkalipas ng 30 minutong kawalan ng aktibidad, malalaman ng iyong relo na hindi ito nakasuot sa iyong pupulsuhan at liliipat ito sa low-power mode.