Suunto 7 ay maganda para sa lahat ng uri ng mga aktibidad. Nag-iiba-iba ang pagkonsumo ng baterya depende sa pinili mong sports – mas malakas gumamit ng baterya ang mga pagsasanay sa labas gamit ang GPS kaysa sa mga pagsasanay sa loob (ng bahay o gusali). Isa pa, nakakaapekto rin sa itatagal ng iyong baterya ang paraan mo ng pag-interact sa iyong relo habang nag-eehersisyo – pagtingin sa iyong mga istatistika, pag-browse ng mga mapa, o paggamit ng ibang feature sa iyong relo.
Para ma-maximize ang buhay ng baterya ng iyong relo habang nag-eehersisyo ka, subukan ang mga solusyon sa ibaba.
Kung pipiliin mo ang sa Good Location accuracy, mas tatagal ang iyong baterya habang nagwo-workout ka sa labas. Para sa ilang sport mode gaya ng pagtakbo o pagbibisikleta, ginagamit ang FusedTrack™ para pahusayin ang kalidad ng pagsubaybay.
Baguhin ang katumpakan ng lokasyon
Habang nag-eehersisyo, awtomatikong inililipat ng Suunto Wear app ang display sa low-power mode pagkalipas ng 10 segundo ng kawalan ng pagkilos para mas makatipid ng baterya. Ire-record pa rin at ipapakita ng Suunto Wear app ang mga kasalukuyan mong istatistika sa pag-eehersisyo sa mode na ito.
Para mas makatipid pa ng baterya, pakitingnan na hindi naka-enable ang Always-on map.
Ang low-power mode ay hindi nakakaapekto sa katumpakan ng data ng iyong ehersisyo.
Magpapataas ng pagkonsumo ng baterya ang paggamit ng low-power mode kasabay ng naka-enable na Always-on map.
Ang ilang paggalaw o kondisyong dahil sa tubig, gaya ng mga patak ng ulan o basang manggas, ay puwedeng mag-on sa iyong display nang paulit-ulit nang hindi mo napapansin, at mas mabilis nitong nauubos ang iyong baterya kaysa sa inaasahan mo. Para maiwasan ang mga hindi sinasadyang pagkaka-tap sa screen at pagkakapindot sa mga button habang nag-eehersisyo, puwede mong i-lock ang mga pagkilos sa touch screen at button.
I-lock ang mga pagkilos sa touch screen at button
Sinusuportahan ng Suunto Wear app ang low-power mode habang nag-eehersisyo. Kung aalis ka sa Suunto Wear app habang nag-eehersisyo ka, tandaang puwedeng malakas na kumonsumo ng baterya ang ilang pagkilos at app, na posibleng makaapekto sa kung gaano ka katagal makakapag-record ng iyong ehersisyo.
Malakas kumonsumo ng baterya ang pakikinig sa musika nang direkta mula sa iyong relo gamit ang Bluetooth headphones at mas mabilis nitong mauubos ang baterya. Kapag nagpaplano kang magsanay nang mas matagal at gusto mong makinig ng musika, gamitin ang iyong relo para makontrol ang musika na nagpe-play sa iyong telepono.