Ang itatagal ng baterya sa isang pag-charge ay depende sa kung paano mo ginagamit ang relo at sa kung anong mga kundisyon. Ang mabababang temperatura, halimbawa, ay nakakabawas sa itatagal ng isang pag-charge. Sa pangkalahatan, ang kakayahan ng mga rechargeable battery ay bumababa habang tumatagal.
Kung sakaling may hindi normal na pagbaba sa kakayahan dahil sa may depektong baterya, sinasagot ng Suunto ang pagpapalit sa baterya sa loob ng isang taon o sa maximum na 300 beses na pagcha-charge, alinman ang mauna.
Kung ang antas ng charge ng baterya ay wala nang 20% at pagkatapos ay 5%, ipapakita ng iyong relo ang icon ng mababang baterya. Kapag napakababa na ng antas ng charge ng baterya, mapupunta sa low power mode ang iyong relo at magpapakita ng charge icon.
Gamitin ang kasamang USB cable para i-charge ang iyong relo. Kapag medyo mataas na ang antas ng baterya, gigising ang relo mula sa lower power mode.
I-charge lang ang iyong relo gamit ang mga USB adapter na nakakasunod sa IEC 60950-1 na pamantayan para sa limitadong supply ng koryente. Maaaring makasira sa iyong relo o magdulot ng sunog ang paggamit ng mga adapter na hindi nakakasunod dito.