Kung naipares mo na ang iyong relo sa Suunto app at Android phone ang gamit mo, puwede kang makatanggap ng mga notification ng mga paparating na tawag at mensaheng text, halimbawa, sa iyong relo.
Kapag naipares mo sa app ang iyong relo, naka-on ang mga notification bilang default. Maaari mong i-off ang mga iyon sa mga setting sa ilalim ng Notifications.
Maaaring hindi compatible sa Suunto 5 ang mga mensaheng natatanggap mula sa ilang app na ginagamit para sa komunikasyon.
Kapag dumating ang isang notification, may isang pop-up na lalabas sa watch face.
Kung hindi kasya ang mensahe sa screen, pindutin ang kanang button sa ibaba para mag-scroll sa buong text.
Pindutin ang Actions para mag-interact sa notification (iba-iba ang opsyon depende sa kung alin sa mga mobile app mo ang nagpadala ng notification).
Para sa mga app na ginagamit sa pakikipag-usap, puwede mong gamitin ang iyong relo para magpadala ng Quick reply. Puwede mong piliin at baguhin ang mga naitakda nang mensahe sa Suunto app.
Kung mayroon kang mga hindi nababasang notification o hindi nasagot na mga tawag sa iyong mobile device, maaari mong tingnan ang mga iyon sa iyong relo.
Mula sa watch face, pindutin ang gitnang button at pagkatapos ay pindutin ang ibabang button para mag-scroll papunta sa history ng notification.
Maki-clear ang notification history kapag tiningnan mo ang mga mensahe sa iyong mobile device.