Suunto is committed to achieving Level AA conformance for this website in conformance with the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG) 2.0 and achieving compliance with other accessibility standards. Please contact Customer Service at USA +1 855 258 0900 (toll free), if you have any issues accessing information on this website.

Suunto 3 Gabay sa User

Baterya

Ang itatagal ng baterya sa isang pag-charge ay depende sa kung paano mo ginagamit ang relo at sa kung anong mga kundisyon. Ang mabababang temperatura, halimbawa, ay nakakabawas sa itatagal ng isang pag-charge. Sa pangkalahatan, ang kakayahan ng mga rechargeable battery ay bumababa habang tumatagal.

PAALALA:

Sakaling may hindi normal na pagbawas sa kakayahan dahil sa sirang baterya, sasakupin ng Suunto ang pagpalit ng baterya para sa isang taon.

PAALALA:

Naglalaman ang produktong ito ng di-napapalitan at rechargeable na bateryang lithium-ion.

Kung ang antas ng charge ng baterya ay wala nang 20% at pagkatapos ay 10%, ipapakita ng iyong relo ang icon ng mababang baterya. Kapag napakababa na ng antas ng charge ng baterya, mapupunta sa low power mode ang iyong relo at magpapakita ng charge icon.

Battery critical Spartan Trainer

Gamitin ang kasamang USB cable para i-charge ang iyong relo. Kapag medyo mataas na ang antas ng baterya, gigising ang relo mula sa lower power mode.

BABALA:

I-charge lang ang iyong relo gamit ang mga USB adapter na nakakasunod sa IEC 60950-1 na pamantayan para sa limitadong supply ng koryente. Maaaring makasira sa iyong relo o magdulot ng sunog ang paggamit ng mga adapter na hindi nakakasunod dito.

Table of Content