Itinakda mo ang oras at petsa nang una mong ini-on ang iyong relo.
I-adjust ang oras at petsa mula sa mga setting sa ilalim ng General » Time/date kung saan maaari mo ring baguhin ang mga format ng oras at petsa.
Karagdagan pa sa pangunahing oras, maaari ka ring gumamit ng dalawahang oras para subaybayan ang oras sa ibang lokasyon, halimbawa, kung nagbibiyahe ka. Sa ilalim ng General » Time/date, i-tap Dual time para itakda ang time zone sa pamamagitan ng pagpili ng lokasyon.
Kapag nakapares ka na sa Suunto app, makakakuha na ang iyong relo ng updated na oras, petsa, time zone at daylight-saving time mula sa mga mobile device.
Sa General » Time/date, i-tap ang Auto time update para i-on at i-off ang feature.
Mayroong alarm clock ang iyong relo na maaaring tumunog nang minsan o umulit sa partikular na mga araw. I-activate ang alarma mula sa mga setting sa ilalim ng Alarms » Alarm clock.
Upang mag-set ng alarm:
Una, piliin mo kung gaano kadalas ang gusto mong pagtunog ng alarm. Ang mga opsyon ay:
Itakda ang oras at ang mga minuto at pagkatapos ay lumabas mula sa mga setting.
Kapag tumunog ang alarm, maaari mo itong i-dismiss upang tapusin ang alarm, o maaari mong piliin ang opsyon na snooze. 10 minuto ang tagal ng pag-snooze at maaaring umulit nang hanggang 10 beses.
Kung hahayaan mo ang alarm sa patuloy na pagtunog, awtomatiko itong mag-i-snooze pagkatapos ng 30 segundo.