Suunto is committed to achieving Level AA conformance for this website in conformance with the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG) 2.0 and achieving compliance with other accessibility standards. Please contact Customer Service at USA +1 855 258 0900 (toll free), if you have any issues accessing information on this website.

Suunto 3 Gabay sa User

Mga Timer

May kasamang stopwatch at countdown timer ang relos mo para sa basic na pagsukat ng oras. Mula sa mukha ng relos, buksan ang launcher at mag-scroll pataas hanggang sa makita mo ang timer icon. Pindutin ang gitnang button para buksan ang display ng timer.

Stopwatch icon Trainer

Sa unang pagpasok mo sa display, ipapakita nito ang stopwatch. Pagkatapos noon, naaalala nito kung ano ang huli mong ginamit, stopwatch o countdown timer.

Pindutin ang ibabang-kanan na button para buksan ang shortcuts menu ng Set timer kung saan mababago mo ang mga setting ng timer.

Stopwatch

SImulan ang stopwatch sa pamamagitan ng pagpindot sa gitnang button.

Stopwatch Spartan Trainer

Ihinto ang stopwatch sa pamamagitan ng pagpindot sa gitnang button. Maaari kang magpatuloy sa pamamagitan ng pagpindot muli sa gitnang button. Mag-reset sa pamamagitan ng pagpindot sa ibabang button.

Stopwatch pause resume Trainer

Mag-exit mula sa timer sa pamamagitan ng pagpindot nang matagal sa gitnang button.

Countdown timer

Mula sa mukha ng relos, pindutin ang ibabang button para buksan ang menu ng mga shortcut. Mula roon, makapipili ka ng naka-predefine na oras ng countdown o lumikha ng custom na oras ng countdown.

Countdown options Spartan Trainer

Ihinto at mag-reset kung kailangan gamit ang mga button sa gitna at ibaba.

Mag-exit mula sa timer sa pamamagitan ng pagpindot nang matagal sa gitnang button.

Table of Content