Suunto is committed to achieving Level AA conformance for this website in conformance with the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG) 2.0 and achieving compliance with other accessibility standards. Please contact Customer Service at USA +1 855 258 0900 (toll free), if you have any issues accessing information on this website.

Suunto 3 Gabay sa User

Mga Feature

Pag-record ng isang ehersisyo

Bilang karagdagan sa araw-araw na pag-track sa aktibidad, maaari mong gamitin ang iyong relo para i-record ang iyong mga sesyon sa pagsasanay o iba pang aktibidad para kumuha ng detalyadong feedback at sundan ang iyong pagsulong.

Para mag-record ng ehersisyo:

  1. Isuot ang sensor ng heart rate (opsyonal).

  2. Mag-scroll pataas hanggang sa icon ng ehersisyo at piliin ang middle button.

    Exercise icon Spartan Trainer

  3. Pindutin ang upper right o lower right button para mag-scroll papunta sa mga sport mode at pindutin ang middle button para piliin ang gusto mong gamitin.

  4. Sa itaas ng start indicator, may lalabas na hanay ng mga icon, depende sa ginagamit mo sa sport mode (gaya ng heart rate at nakakonektang GPS). Magfa-flash ang arrow icon (nakakonektang GPS) na kulay gray habang naghahanap at magiging berde kapag nakakita na ng signal. Magfa-flash ang icon na puso (heart rate) nang gray habang naghahanap, at kapag nakasagap na ng signal, magiging may kulay na puso ito na nakakabit sa isang belt kung heart rate sensor ang gamit mo. Kung optical na heart rate sensor ang gamit mo, magiging may kulay na puso ito na walang belt.

    Kung gumagamit ka ng heart rate sensor pero naging berde lang ang icon (ibig sabihin, aktibo ang optical heart rate sensor), tingnan kung nakapares ang heart rate sensor, tingnan ang Pagpapares ng mga POD at sensor, at piliing muli ang sport mode.

    Maaari kang maghintay na maging berde ang bawat icon o magsimulang mag-record agad kung gusto mo sa pamamagitan ng pagpindot sa middle button.

    Start exercise

    Kapag nagsimula na ang pag-record, mala-lock ang napiling pinanggagalingan ng heart rate at hindi na mababago habang isinasagawa ang session ng pagsasanay.

  5. Habang nagre-record, maaari kang magpalipat-lipat sa mga display gamit ang middle button.

  6. Pindutin ang kanang upper button para i-pause ang pag-record. Ihinto at i-save gamit ang lower right button o magpatuloy gamit ang upper right button.

    Recording paused

Kung may mga opsyon ang sport mode na pinili mo, gaya ng pagtatakda ng target na tagal, maaari mong i-adjust ang mga iyon bago simulan ang pag-record sa pamamagitan ng pagpindot sa lower button. Maaari mo ring i-adjust ang mga opsyon sa sport mode habang nagre-record sa pamamagitan ng pagpindot nang matagal sa middle button.

SF3 Sport Mode Options

Pagkatapos mong ihinto ang pag-record, tatanungin ka kung ano ang nararamdaman mo. Maaari mong sagutin o laktawan ang tanong (tingnan ang Feeling). Pagkatapos, makakakuha ka ng buod ng aktibidad na maaari mong i-browse sa pamamagitan ng upper o lower right button.

Kung may nai-record kang ayaw mong i-save, maaari mong i-delete ang log entry sa pamamagitan ng pag-scroll pababa sa Delete at kumpirmahin gamit ang middle button. Maaari mo ring i-delete ang mga log sa parehong paraan mula sa logbook.

Log delete Trainer

Calibration ng bilis at distansya

Suunto 3 ay kayang sukatin ang bilis at distansya ng pagtakbo at paglalakad gamit ang built-in na accelerometer ng relo. Kailangang ma-calibrate ang accelerometer batay sa laki at galaw ng iyong paghakbang. Kung hindi maka-calibrate, hindi makakapagsukat nang tama ang relo ng bilis at distansya.

Ang pinakamadaling paraan para i-calibrate ang iyong relo ay ang i-record ang unang ehersisyong pagtakbo o paglakad gamit nakakonektang GPS (Tingnan ang Nakakonektang GPS). Kapag ginagamit ang GPS ng iyong mobile phone, awtomatikong ginagawa sa background ang pag-calibrate ng bilis at distansya.

Manual mong i-calibrate ang iyong relo:

  1. Mag-record ng ehersisyong paglalakad at pagtakbo kung saan alam ang distansya (halimbawa sa isang track) at sa loob ng kahit 12 minuto, tingnan ang Pag-record ng isang ehersisyo
  2. I-edit ang distansya sa buod pagkatapos ng iyong ehersisyo sa pamamagitan ng pagpindot sa middle button kapag naka-highlight ang distansya.

    SF3 Distance Calibration

PAALALA:

Para makuha ang pinakatumpak na resulta, manual na i-calibrate ang iyong relo nang hiwalay para sa pagtakbo at paglalakad.

Mga sport mode

Ang iyong relo ay mayroong malawak na hanay ng paunang tinukoy na mga sport mode. Idinisenyo ang mga mode para sa mga partikular na aktibidad at layunin, mula sa isang karaniwang paglakad sa labas hanggang sa cross-country skiing.

Kapag nag-record ka ng isang ehersisyo (tingnan ang Pag-record ng isang ehersisyo), maaari kang mag-scroll pataas at pababa para makita ang maikling listahan ng mga sport mode. Piliin ang Other na icon sa dulo ng maikling listahan para tingnan ang kumpletong listahan ng mga sport mode.

Ang bawat sport mode ay may natatanging hanay ng mga display na nagpapakita ng iba't ibang data depende sa napiling sport mode. Puwede mong i-edit at i-customize ang data na ipinapakita sa display ng relo habang nag-eehersisyo ka gamit ang Suunto app.

Alamin kung paano i-customize ang mga sport mode sa Suunto app (Android) o sa Suunto app (iOS).

Mga opsyon sa power saving ng sport mode

Maaari mong gamitin ang mga sumusunod na opsyon sa power saving para patagalin ang buhay ng baterya:

  • Timeout sa display: karaniwang laging naka-on ang display habang nag-eehersisyo ka. Kapag binuksan mo ang timeout ng display, mao-off ang display pagkalipas ng 10 segundo para makatipid sa baterya. Pumindot ng anumang button para muling i-on ang display.

Para i-activate ang mga opsyon sa power saving:

  1. Bago ka magsimula sa pag-record ng ehersisyo, pindutin ang lower button para buksan ang mga opsyon ng sport mode.
  2. Mag-scroll pababa sa Power saving at pindutin ang middle button.
  3. I-adjust ang mga opsyon sa pagtitipid ng baterya sa gusto mo at pindutin nang matagal ang middle button para lumabas sa mga opsyon sa pagtitipid ng baterya.
  4. Mag-scroll pabalik sa itaas start view at simulan ang iyong ehersisyo gaya ng palagi mong ginagawa.
PAALALA:

Kung naka-on ang timeout ng display, makakakuha ka pa rin ng mga notification sa mobile, maging ng mga alerto sa pamamagitan ng tunog at pag-vibrate.

Paggamit ng mga target kapag nag-eehersisyo

Posibleng magtakda ng iba't ibang target gamit ang iyong Suunto 3 kapag nag-eehersisyo.

Kung may mga opsyon para sa mga target ang sport mode na pinili mo, maaari mong i-adjust ang mga iyon bago simulan ang pag-record sa pamamagitan ng pagpindot sa lower right button.

Sport Mode Targets Trainer

Para mag-ehersisyo nang may pangkalahatang target:

  1. Bago ka magsimula sa pag-record ng ehersisyo, pindutin ang lower right button para buksan ang mga opsyon ng sport mode.
  2. Piliin ang Targets at pindutin ang middle button.
  3. I-toggle sa naka-on ang General sa pamamagitan ng pagpindot sa middle button.
  4. Piliin ang Duration o ang Distance.
  5. Pumili ng iyong target.
  6. Pindutin ang lower left button para bumalik sa mga opsyon ng sport mode.

Kapag naka-activate mo ang mga pangkalahatang target, ipapakita ang isang progress bar sa lahat ng display ng data.

ZoneDisplay Progress S3F

Makakatanggap ka rin ng notification kapag naabot mo ang 50% ng iyong target at kapag nagawa mo na ang pinili mong target.

Para mag-ehersisyo nang may target na intensity:

  1. Bago ka magsimula sa pag-record ng ehersisyo, pindutin ang lower right button para buksan ang mga opsyon ng sport mode.
  2. Piliin ang Targets at pindutin ang middle button.
  3. I-toggle sa naka-on ang Intensity sa pamamagitan ng pagpindot sa middle button.
  4. Piliin ang Heart rate o Pace.
  5. Piliin ang iyong target na zone.
  6. Pindutin ang lower left button para bumalik sa mga opsyon ng sport mode

Nakakonektang GPS

Suunto 3 ay kayang mag-record ng bilis at distansya kapag tumatakbo at naglalakad batay sa galaw ng iyong pupulsuhan, pero dapat na-calibrate ito sa laki at galaw ng iyong paghakbang. Maaari kang manual na mag-calibrate (tingnan ang Pag-calibrate ng bilis at distansya), o hayaang awtomatiko itong gawin ng nakakonektang GPS. Awtomatikong naka-calibrate ang bilis at distansya na batay sa pupulsuhan sa tuwing gumagamit ka ng nakakonektang GPS.

Bilang karagdagan sa mas tumpak na bilis at distansya, gamit ang nakakonektang GPS, makakakuha ka rin ng track mula sa iyong ehersisyo na maaari mong tingnan sa isang mapa sa the Suunto app.

Para gamitin ang nakakonektang GPS:

  1. Ipares ang iyong relo sa Suunto app; tingnan ang Suunto app.
  2. Pahintulutan ang Suunto App na gumamit ng mga serbisyo sa lokasyon.
  3. Panatilihing aktibo ang Suunto app.
  4. Magsimula ng sport mode gamit ang GPS.

Magpapatay-sindi nang kulay grey ang GPS icon sa iyong relo habang naghahanap at magiging berde kapag nakakonekta na ang GPS ng telepono.

Hindi lahat ng sport mode ay gumagamit ng GPS. Kung hindi mo nakikita ang icon, ibig sabihin nito, para ang sport mode sa isang aktibidad kung saan hindi kailangan ang GPS, gaya ng pagtakbo sa isang treadmill o paglalangoy sa isang swimming pool, o kaya ay hindi nakapares ang iyong Suunto 3 sa iyong telepono.

PAALALA:

Bibilis ang pagkonsumo ng baterya sa iyong mobile device dahil sa paggamit ng nakakonektang GPS. Mag-iiba-iba ang katumpakan ng GPS depende sa iyong mobile device at sa mga nakapaligid na kalagayan. Ang mga gusali, halimbawa, ay maaaring makaharang sa mga signal ng GPS. Pakitandaan din na hindi available ang GPS data para sa lahat ng bersyon ng mobile operating system at na maaaring alisin ang kasalukuyang suporta nito nang walang abiso.

Interval training

Ang mga interval na ehersisyo ay isang karaniwang anyo ng pagsasanay na binubuo ng paulit-ulit na mga set ng mga high at low intensity na pagsisikap. Sa Suunto 3, maaari kang magtakda ng sarili mong interval training para sa bawat sport mode.

Kapag tinutukoy ang iyong mga interval, mayroon kang apat na item na ise-set:

  • Mga interval: on/off na toggle na magpapagana sa interval training. Kapag ini-on mo ito, madaragdag ang isang display ng interval training sa iyong sport mode.
  • Mga pag-uulit: itinatakda ng numero ng interval + pag-recover kung ano ang gusto mong gawin.
  • Interval: ang haba ng iyong interval na high intensity, batay sa distansya o tagal.
  • Pag-recover: ang haba ng panahon ng iyong pahinga sa pagitan ng mga interval, batay sa distansya o tagal.

Tandaan na kung gagamitin mo ang distansya para tukuyin ang iyong mga interval, kailangan ay nasa isa kang sport mode na sumusukat ng distansya. Ang pagsukat ay maaaring batay sa mobile assisted GPS, wrist based na bilis o mula sa isang foot o bike POD, halimbawa.

Para magsanay gamit ang mga interval:

  1. Mula sa launcher, pumili ng sport mo.
  2. Bago ka magsimula sa pag-record ng ehersisyo, pindutin ang lower right button para buksan ang mga opsyon ng sport mode.
  3. Mag-scroll pababa sa Intervals at pindutin ang middle button.
  4. I-toggle on ang mga interval at ayusin ang mga setting na inilarawan sa itaas.

    Interval training settings Trainer

  5. Mag-scroll pataas sa Back at kumpirmahin sa gamit ang middle button.

  6. Pindutin ang upper right button hanggang makabalik ka sa start view at simulan ang iyong ehersisyo gaya ng palagi mong ginagawa.
  7. Pindutin ang lower left button para palitan ang view sa mga interval display at pindutin ang upper right button kapag handa mo nang simulan ang iyong interval training.

    Interval training start Trainer

  8. Kung gusto mong ihinto ang interval training bago mo makumpleto ang lahat ng iyong mga pag-uulit, pindutin ang middle button nang matagal para buksan ang mga opsyon ng sport mode at i-toggle sa naka-off ang Intervals.

PAALALA:

Habang nasa display ka ng mga interval, gagana ang mga button nang normal, halimbawa, ipo-pause ng pagpindot sa upper right button ang pag-record ng ehersisyo, hindi lang ang interval training.

Pagkatapos mong ihinto ang iyong pag-record ng ehersisyo, ang interval training ay awtomatikong mai-toggle off para sa sport mode na iyan. Gayunpaman, ang iba pang setting ay mananatili para maaari mong madaling simulan ang parehong pag-eehersisyo sa susunod na gagamitin mo ang sport mode.

Paglalangoy

Maaari mong gamitin ang iyong Suunto 3 para sa paglalangoy sa mga pool.

Kapag gumagamit ka ng sport mode na paglalangoy sa pool, pinagbabasehan ng relo ang haba ng pool para malaman ang distansya. Maaari mong baguhin ang haba ng pool, kung kailangan, sa mga opsyon sa sport mode bago mo simulan ang paglangoy.

PAALALA:

Ang wrist heart rate sensor ay maaaring hindi gumana sa ilalim ng tubig. Gumamit ng heart rate sensor para sa dibdib para makakuha ng mas maaasahang pag-track ng HR.

Pakiramdam

Kung nagsasanay ka ng regular, ang pagsubaybay sa iyong pakiramdam pagkatapos ng bawat sesyon ay isang mahalagang palatandaan ng pangkalahatan mong pisikal na kundisyon.

May limang antas ng pakiramdam na maaaring pagpilian:

  • Poor
  • Average
  • Good
  • Very good
  • Excellent

Ang eksaktong kahulugan ng mga opsyong ito ay nakasalalay sa pagpapasya mo. Ang mahalaga ay palagi mong gamitin ang mga ito.

Para sa bawat sesyon ng pagsasanay, maaari mong direktang i-record sa relo ang iyong nararamdaman pagkatapos huminto ang pag-record sa pamamagitan ng pagsagot sa tanong na ‘How was it?.’

feeling how was it Trainer

Maaari mong laktawan ang pagsagot sa tanong sa pamamagitan ng pagpindot sa middle button.

Tema ng display

Upang gawing mas nababasa ang screen ng iyong relo habang nag-eehersisyo o nagna-navigate, maaari kang magpalipat-lipat sa maliwanag at madilim na tema.

Sa maliwanag na tema, maliwanag ang background ng display, at madilim ang mga numero.

Sa madilim na tema, baliktad ang contrast, kung saan madilim ang background at maliwanag ang mga numero.

Ang tema ay isang pangkalahatang setting na maaari mong baguhin sa iyong relo mula sa alinman sa mga opsyon mo sa sport mode.

Upang baguhin ang tema ng display sa mga opsyon sa sport mode:

  1. Mula sa watch face, pindutin ang upper right button upang buksan ang launcher.
  2. Mag-scroll sa Ehersisyo at pindutin ang middle button.
  3. Pumunta sa alinmang sport mode at pindutin ang lower right button upang buksan ang mga opsyon ng sport mode.
  4. Mag-scroll pababa sa Theme at pindutin ang middle button.
  5. Mapalipat-lipat sa pagitan ng Maliwanag at Madilim sa pamamagitan ng pagpindot sa upper right at lower right na mga button, at tanggapin sa pamamagitan ng middle button.
  6. Mag-scroll pabalik sa itaas upang lumabas sa mga opsyon sa sport mode at simulan (o lumabas) sa sport mode.

Table of Content